Chapter 6: Temptation

861 42 1
                                    

Shaider

Shenley Mae Cruz
143 Liwanag St.

Ang hirap maging gwapo, sinasadya ng mga babae na iwan ang ID nila sa sasakyan ko para pag binalik ko,makita nila ako ulit. Naaabala tuloy ang k-gwapuhan ko!

Ilang minuto na rin akong nag-aabang dito sa kanto kung saan ko binaba si Shenley kagabi.

Hindi naman sa mina-mata ko yung lugar pero nung sinabi kagabi ni Shenley na delikado ang lugar nila expected ko na na masasamang tao ang naririto, pero nung makita ko ang lugar ngayon paano siya nakaka-tiis sa lugar na to?

"Hi pogi!" Salita ng babaeng kumatok sa bintana ng kotse ko. Sabi ko sa inyo eh pogi ako!

"May hinihintay ka ba? Gusto mo samahan kita?" Dugtong nito. Nagpalobo ito ng bubble gum sa bibig niya saka pinutok din agad at hinawakan ang kwelyo ng polo shirt ko.

Alam kong gwapo ako kaya hindi siya makapag-pigil sa'kin pero hindi ko trip ngayon ang gusto niya ayoko mag-almusal ng tao. Siguro next time na lang.

"Hinihintay ko si Shenley." Nang-laki ang mata nito at biglang bumitaw sa kwelyo ng damit ko.

"Si Shenley Mae Cruz ba?" Paninigurado nito pero mukhang nalugi ang itsura. Binigay ko ang ID ni Shenley dahil mukhang kilala niya ito.

"Taragis na babaeng yun. Hindi man lang sinabing may manliligaw siyang instik." Mangliligaw?

"Tara pogi samahan kita sa kanila."

"Hoy mga talipandas h'wag niyo ng balakin chop-chopin tong kotse ni.. Anong pangalan mo?" Nilingon ako nito habang kausap ang limang lalaki na nasa gilid ng kotse ko nnaa nakatayo.

"Shaider."

"Ni Shaider. Bisita to ni Ma-e." Agad nag-layuan ang limang lalaki na kakamot kamot ng ulo nila.

Hindi kaya kasabwat ni Shenley ang mga yun? Balak pang i-junk shop ang kotse ko baka mahal pa sa buhay nila yun dahil sa itsura nila isang amag na lang ang hindi pumipirma panis na sila.

"Hoy Lovely mukhang naka-jackpot ka ah!" Sigaw ng isang babaeng naglalaba sa kasama ko.

"Tsismosa! Boyfriend ni Ma-e to!" Potek na yan! Kanina bisita lang ngayon boyfriend na agad? Eh mag sosoli nga lang ako ng ID ng babaeng yun!

Huminto kami sa isang bahay na dalawang palapag ang taas.

"Tong babae na to hilig iwan bukas yung pinto!" Pag-katok kasi nito ay agad ding bumukas ang pintuan.

Naiwan akong naka-tayo sa labas ng bahay at yung babaeng kasama ko lang ang pumasok.

Kung titignan mo sa labas, parang isang malakas na hangin na lang tatangayin na ang kahoy nilang bahay pero pag makikita mo ang loob, hindi mo iisipin na ganito kalinis. Dahil sa wala silang gamit bukod sa isang mahabang upuan eh wala ring tao.

"Sino?" Nang-laki ang mata ni Shenley ng makita ako. Bagong gising lang ito dahil gulo-gulo pa ang buhok, suot ang isang puting pang tulog.

Inistema ko ang tingin ko rito at napa-hinto ako sa bandang dibdib nito na ga-bandehado ng kanin ang laki.

Inangat ko ang kamay ko para sukatin ito at saktong-sakto sa palad ko!

"Tangna kang manyak ka!" Nagulat ako ng binato ako nito ng tsinelas sakto sa noo ko.

"Aray! Bakit ka nangbabato?" Taragis na yan bulls eye ako dun ah!

"Yung kamay mo naka-sakto sa dibdib ko tapos tatanong mo kung bakit kita binato?"

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon