Chapter 31: Lyrical Assault

542 35 1
                                    

Shenley

Napa-kunot ang noo ko dahil sa kumpanya kami ni Mr. Montgomery bumaba ni Shaider.

"Bakit nandito tayo?" Tanong ko rito. Hindi naman sumagot si Shaider at dere-deretso lang pumasok.

Pag dating namin malapit sa elevator ay isang babae ang sumalubong sa'min. "Goodmorning sir." Bati nito kay Shaider na pusturang pustura ang itsura.

"Hi Jenel. Ready na ba?" Tanong ni Shaider.

Tumango naman ito saka itinuro sa'min ni Shaider ang elevator. Sakto naman na naka-bukas na ito.

"Ladies first." Sabi ni Shaider kaya naman sabay kaming pumasok nung babaeng sumalubong sa'min.

Pinindot nung babae ang RD button saka ngumiti kay Shaider.

Grabe ang ganda niya lalo pag ngumiti. Para siyang supermodel. Pero mas maganda pa rin si miss Catherine eh. Idol ko talaga yun.

"Saan tayo pupunta?" Bulong ko kay Shaider dahil pakiramdam ko nabibingi na ko.

"Sa bohol."

"May daan dito?" Sarkastikong tanong ko. Pero muka yatang inakala ni Shaider na nagbiro ako dahil sa lakas ng tawa nito, nilagay ni Shaider ang likod ng palad niya sa noo ko. "Nag ha-hallucinate ka ba?" Hinampas ko ito bahagya sa tiyan niya kaya naman napa-hinto sa pagtawa.

"Sir, ang sweet mo naman sa girlfriend mo." Napatingin ako dun kay Jenel ng bigla itong mag salita.

"Naku hindi po." Sagot ko rito. Pero madali naman gumapang ang kamay ni Shaider papunta sa balikat ko at naka-ngiting nagsalita. "Sa'kin lang nag mana ng ka-sweetan yung amo mo." Natawa si Jenel dahil sa sinabi ni Shaider. Hindi ko sila ma-gets pero natawa rin ako.

Saktong pag bukas ng elevator ay bumungad sa'min ang napaka-laking helicopter.

"Mr. Toretto." Lumapit kami ni Shaider sa lalaking naka-suot na pang piloto saka siya nakipag-kamay rito.

"Miss Cruz, meet Mr. Suarez he will be our pilot." Nilahad ni mr. Suarez ang kamay niya sa'kin kaya naman madali ko itong inabot.

"Nice to meet you po." Salita ko rito.

"Let's go?" Tanong ni Shaider kaya naman agad na pumunta yung piloto sa  helicopter kaya sumunod na kami ni Shaider.

"Jenel, please inform Mr. Montgomery that we will exactly arrived at 12:00 in the afternoon." Salita nung pilot kay miss Jenel.

"Thank you Jenel." Sabi ni Shaider at nag wave na.

Bago ako pumasok ay nagpasalamat rin ako kay miss Jenel. Inalalayan ako ni Shaider maka-sakay saka siya pumasok.

"Sa'yo to?" Grabe gaano ba kayaman si Shaider at kaya niya bumili ng helicopter? Hindi kaya may illegal tong trabaho? Baka naman madamay pa ko rito.

"Kay SLY to. Mas gwapo lang ako, pero hindi ko kayang tapatan yung yaman nun." Napanganga na lang ako dahil sa sobrang yaman pala talaga ni miss Catherine at mr. Montgomery. Pag nagkaroon talaga ko ng smart phone unang una kong ire-research ang mag-asawa na yun. Tapos gagawa ko ng social media account at pag tya-tyagaan kong hanapin si miss Catherine, panigurado meron siya kahit facebook o instagram.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon