Chapter 33: Boys talk plus one.

597 37 3
                                    

Shaider

"Hoy Paulo sumunod ka ah!" Natawa kami lahat dahil tumango lang si Paulo kay Giselle. Nag akyatan na lahat ng girls sa kwarto kung saan sila magkakasama.

"Goodnight G." Paalam ko kay Giselle ng tuluyan na itong maka-akyat sa kwarto.

"Grabe kayo ang a-under niyo." Natatawa kong sabi. Sino ba mag aakala na yung mga kaibigan ko na kilabot nung college days namin, eh magiging under sa mga misis nila?

"Mararanasan mo rin yan pag na-inlove ka." Sabi ni Kurt.

"Kakainin mo lahat ng sinabi mo pag nakakita ka ng katapat mo." Dugtong naman ni Patrick.

Ano? Ako? Hinding-hindi mangyayari yun.

"He already saw it." Salita ni bossing saka ako tinapik tapik sa braso.

"Sino G, si Melanie ba?" Tanong ni Paulo.

"Si Melanie ba?" Pasang tanong sa'kin ni SLY.

Ilang beses ako lumunok dahil sa lahat ng kaibigan ko nakatingin sa'kin at iniintay ang isasagot ko.

Napa-iling ako saka uminom ng alak. Alam ko sa sarili ko na spesyal sa'kin si Melanie, pero siya ba? Hindi ba yung babaeng kasama ko ngayon? Hindi ba yung babaeng dahilan kung bakit ako palaging naka-ngiti?

"Oo na si Shen na."

"Whoo! Sa wakas umamin ka rin tangina ka!" Sabi ni Patrick.  Nag slow clap naman sina Kurt, Paulo at SLY sa'kin. Paano pa kaya kung nandito si Roman? Pota baka isa pa rin yun.

"We have our ears to listen." Pang-iinis ni bossing. Hindi ko naman maiiwasan na hindi mag kwento sa kanila eh, kaibigan ko sila. Ay hindi kapatid ko sila. Lahat sila alam ko ang kwento ng buhay pag-ibig.

Si Paulo, halos apat na taon na sila ni Giselle bago pa namin nalaman. Akala namin multo lang si Giselle pero totoo pala, pumayag siyang maging pribado ang relasyon nila dahil isang mafia si Giselle at kung hindi pa dahil si Catherine ang prinsesa ng Philadelphia hindi pa namin malalaman.

Si Kurt na patay na patay kay Cathleen, kulang tatlong taon rin niyang niligawan si Cathleen at ngayon na nakuha niya na ang oo nito, aware pa rin siya na hindi sa kanya ang puso ni Cath ng buong-buo.

Si Patrick na grade 10 pa lang kami, crush na crush na si Gretch pero na tso-tsope siya, kung di pa ko gumawa ng paraan hindi pa magiging sila.

Si Roman na halos ilang babae na ang nai-kama pero si Sabrina lang ang laman ng puso niya.

Si SLY na hindi namin maiisip na kayang gawin lahat para lang kay Madam kahit buhay niya kaya niyang itaya dahil sa pag mamahal niya rito.

"Wala eh, tinamaan ng lintik." Pahaging ko sa kanila.

Umayos sila ng upo na para bang magandang-maganda yung palabas.

"Sa Assaults pa lang, ibang impact na yung binigay niya sa'kin."

Sino ba naman hindi makakaramdam ng ganito, una pa lang pinagkamalan na niya kong waiter. Take note, sa gwapo kong to diba?

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon