Chapter 46: Mafia's

125 2 0
                                    

Marami ng na-ikwento si Clyde tungkol sa kabataan nila ni Shaider, na hindi sila mag kasundo, lagi siyang binu-bully ni Shaider kasama ng mga kaibigan niya. Na hindi nila gusto ang isa't-isa kahit ba magkapatid sila. Lumaki silang malayo ang loob sa isa't-isa na ipinagtataka ko kung bakit dahil iba ang pakikitungo ni Shaider kay Sheridan halata rito na mahal na mahal niya ang kapatid niya. Iba rin ang pakikitungo ni Shaider kay Clark kahit ba minsan kinaiinisan niya ito pero ganun pa man nakitaan ko si Shaider ng malasakit sa pinsan niya.

"Ni minsan hindi ka pa nabanggit ni Shaider sa'kin." Sa totoo lang hindi pa nabanggit ni Shaider sa'kin si Clyde tanging si Sheridan lang ang nasabi nito na kapatid niya.

Inaya ako ni Clyde na kumain sa isang restaurant pero tinanggihan ko ito sa halip na sa isang convenience store na nasa kanto ko lang ito inaya, madali naman itong pumayag.

"Shaider is a prodigal son. Tinakwil siya ng daddy namin dahil sa pag waldas niya ng yaman ng Papa ko." Mariin na salita ni Clyde. Taka ko itong tinignan dahil iba ang kwento noon ni Shaider tungkol sa Ama niya, sinabi niya noon na Lola niya ang nagpalaki sa kanya at ang tanging ala-ala niya lang sa kanyang Ama ay nang iwan sila nito.

"Kamusta kayo ngayon ni Shaider?" Napangiti ako sa tanong at huminga ako ng malalim dahil sa parang umurong ang dila ko ng sasagutin  ko si Clyde. Pero sasagutin  ko pa lang ito ay nabigla ako at napatayo ng makita ko si Shaider na nasa entrance ng convenience store na salubong ang kilay at nakapamulsa pa.

"Shaider?" Mahinang bulong ko pero mukhang narinig ako ni Clyde at lumingon ito sa gawi ni Shaider.  Halos nag mamadaling maglakad si Shaider na para bang gusto niyang sugurin ng suntok si Clyde ng makita niya itong kasama ko.

"What the hell in earth you're doing here?" Halos maiyukom ni Shaider ang kamao nito ng makita si Clyde. Hinawakan ko ang balikat ni Shaider at pumagitna sa dalawang ito na halatang nagkakaroon ng tensyon.

"Gusto ko lang makilala ang girlfriend ng kapatid ko." Sagot ni Clyde na halata rin ang gigil ng makita si Shaider.

"You are not Toretto, you bastard! Huwag na huwag kang makakalapit kay Shenley or else."

"Shaider wala siyang ginagawang masama." Salita ko rito dahil sa pagbabanta nito kay Clyde.

"Or else papatayin mo ko?" Nabigla ako ng biglang sinuntok ni Shaider si Clyde at natumba ito halos nagkagulo naman ang mga tao sa loob ng store dahil sa nangyaring pag suntok  ni Shaider kay Clyde.

Pinahiran ni Clyde ng bahagya ang labi nitong may dugo at saka tumingin ng masama kay Shaider na halatang gigil pa rin hanggang ngayon, tutulungan ko sanang maka-tayo si Clyde pero agad kinuha ni Shaider ang kamay ko at hinatak ako palabas ng convenient store.

"Ano bang problema mo,sir?" Nabigla ito sa pag tawag ko sa kanya ng sir.

"Sir? Heh!" Inis na salita ni Shaider. May kinuha itong papel sa coat niya at iwinasiwas sa harapan ko.

"You're resigning as my secretary, because of what? Because you found out that I am fucking assassin of Philadelphia?"

"Hindi dahil dun." Pag didiin ko dito. Pero ang totoo tama si Shaider ang pagiging mafia member niya ang dahilan kung bakit gusto kong mag resign bilang sekretarya niya.

"I will not sign this resignation Miss Cruz. See you at my office!" Salita nito.

"Pero.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng para akong batang pinag buksan nito ng kotse niya at pilit sinasakay sa loob.

"Sakay!" Halos inis na sabi ni Shaider na salubong ang kilay at saka ko inalalayan ako papasakay ng maka-upo akong tuluyan pabagsak nitong sinara ang pinto at huminto pa saglit ng makita si Clyde na nasa exit na ng convenience store, bubuksan ko pa sana ang pinto ng kotse para humingi ng tawad kay Ckyde dahil sa ginawa ni Shaider pero ng buksan ko ito madali naman agad naisara ni Shaider ang pinto ng sasakyan saka dali daling nag lakad pakabilang bahagi nito para makasakay na.

"Kailan kapa niya pinupuntahan?" Pagalit na tanong ni Shaider habang naka tuon ang atensyon sa daan habang nag d-drive. "Kanina lang siya pumunta, kanina ko lang rin siya nakilala kinwento niya lang ang tungkol sa childhood niyong dalawa." Rinig ko ang bahagyang pag ngisi ni Shaider at mabilis ng pinaandar ang sasakyan pagka go signal ng ilaw ng traffic light.

"Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko rito ng mapansin ko na nasa Assault's na kami, hindi ko napapansin kanina ang lugar na tinatahak namin dahil sa inis ko kay Shaider dahik sa ginawa nito kay Clyde.

"Ano ba ang sinabi ko kanina? Hindi ba't see you at my office?"

"Nang ito ang suot ko?" Halatang nagulat si Shaider ng makita nito ang suot ko na maong pants at white polo shirt at sandals.

Hindi na ito nagsalita pa at muli na naman hinatak ang kamay ko papasok sa loob ng Assault's. Sa totoo lang hindi ako nakakaramdam ng takot sa tuwing hahawakan ni Shaider ang kamay ko, sa tuwing kinukulong niya ako sa mga bisig niya. Bagkos mas nakakaramdam ako ng seguridad sa tuwing mag dadampi ang mga balat namin.

"Shen?" Halos mabigla ang itsura ng mga kaibigan ni Shaider na nasa second floor ng Assault's sila lang ang tao rito pero may DJ na nag ooperate ng sounds sa stage na chill lang ang mga tugtugan.

"Magandang gabi sa inyo." Nakayukong pag bati ko sa mga kaibigan ni Shaider. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanila. Hindi ko magawang ngitian sila dahil sa hiya sa inasal ko nung huling pagkikita namin. Sino ba naman ang hindi matatakot kung papalibutan ka ng mga taong kayang pumatay, ng mga taong tago ang pagkakakilanlan sa publiko.

Hindi ko naman alam kung paano ngingitian si Catherine na deretso ang tingin sa'kin walang ekpresyon ang mukha na halatang disappointed sa inasal ko. Si Cathleen na hindi man lang makita ang saya sa mukha  sa'kin tulad nung una namin pagkikita, sina Gretchen at Giselle na hindi naman ako magawang tignan dahil siguro sa galit.

"Inom ka?" Alok sa'kin ni Patrick pero halatang ilang ito. Tinabig naman ni Shaider ng bahagya ang basong hawak ni Patrick at saka nag excuse sa mga kaibigan nya. Muli hinawakan ni Shaider ang kamay ko at saka kami pumasok sa opisina ng Assault's..

"Bakit tayo nandito? Wala naman mga tao kung hindi mga kaibigan mo lang.."

"Kaibigan ko lang na ano? Mafia?" Hindi ako sumagot sa tanong ni Shaider sa halip ay naupo lang ako at pinag mamasdaan ko ang mga galaw ni Shaider maupo ito sa swivel chair niya at nag type ng nag type sa keyboard ng desktop.

"Pinapunta mo ba ako rito para lang pag masdan ka kung paano mag type sa keyboard ng desktop?" Tinuon nito ang tingin niya sa'kin pero yung tingin na yun ni Shaider may lungkot sa mga mata niya, may mga luhang namumuo pero halatang pinipigilan niyang bumagsak. May kirot akong naramdaman sa puso ko dahil sa titig na yun ni Shaider. Mas lalo ako nakaramdam ng kirot ng tumalikod ito at bahagyang pinunasan ang mga mata niya.

"Can we talk?" Napa tingin kami parehas sa pintuan ng biglang sumulpot si Gretchen ang girlfriend ni Patrick.

"Lalabas muna ko." Paalam ko rito dahil naka tuon ang tingin nito kay Shaider.

" No Shen, ikaw ang gusto ko makausap." Salita nito. Taka akong tumingin kay Shaider at kay Gretchen pero mukhang walang alam si Shaider sa ginawang ito ni Gretchen.

Lumabas si Shaider ng opisina nito at naiwan kaming dalawa ni Gretchen. Tumayo ako para paupuin si Gretchen ngunit tumanggi ito.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon