Chapter 2: The Meet-up

1.2K 50 2
                                    

SHAIDER

"Shit ang gwapo ko nakaka-good vibes!" Napapa-iling na lang ako habang nakikita ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Kung may kasalanan man ako sa mundo siguro yun ay ang pinag-pala ako ng ganitong itsura.

"G, tara na andyan na yung pari!" Minsan may pagka-insecure din tong si Patrick sa'kin eh pag dating sa moments eh pasalamat siya opening ng panibagong Bar na tinayo ko.

Nabigla ako sa dami ng taong naririto sa Assault's. Hindi ko inaasahan na dadagsain ng ganito karaming tao ang Bar unlike dun sa una. Minsan may maganda rin palang nadudulot ang pag-sali sa Mafia nakaka-asenso isa naa rin yung dahil sa nalaman nilang gwapo ang may-ari.

"Kayo po ang may-ari?" Tanong ng isang kasama ni Father.

"Opo." Inumpisahan na ni Father mag-misa para sa pag bubukas ng Bar. Siyempre kumpleto ang mga kaibigan ko na mas gwapo pa ako.

"Lord, may you blessed the Assault's Bar with your spirit, especially Mr.Shaider Toretto, his staff and crew and the people behind it."

Hindi kaya dapat mas pina-bless ni Father yung mga kaibigan ko? Kinulang kasi sa charisma eh. Samantalang ako, sobra sobra na minsan nga nakaka-sawa na rin maging gwapo!

Habang binabasbasan ni Father ang loob ng Assault ay nakita ko ang mga kaibigan ko sa gilid malapit sa counter bar na may kanya-kanya ng date. Tss! Pag mga pangit talaga naninigurado na sa buhay baka tumandang binata eh! Kawawa naman!

"Congrats G!" Bati ng ibang miyembro ng Philadelphia ng matapos ang blessing at inumpisahan na ang kainan.

"Dapat yata mag-asawa ka na baka tumanda kang binata!" Puna ni Patrick sa'kin habang kasama at akbay si Gretch.

"Sa'yo pa talaga ng galing yan eh kung hindi lang dahil sa diskerte ko wala kang girlfriend ngayon!" Lakas ng loob manita nitong pangit na to kung hindi pa torpe!

"Patrick is right, how old are you 26? It's been a year since Melanie is gone. It's time to move-on G." Naku isa pa  tong si Bossing. Para sa'kin walang makakapantay kay Melanie nag-iisa lang yun.

"Melanie has a special place in my heart hindi na mababago yun. Pero alam niyo naman mga G sa gwapo kong to babae ang humahabol sa'kin." Nagsasabi lang ako ng totoo sa dami nila hindi ko na alam kung sino ang pipiliin ko.

"Ewan ko sa'yo Shaider!" Naku kumontra na naman si Caitlyn.

"Kunyari ka pa Cait, crush mo rin ako ayaw mo pa umamin!"

"Manahimik ka pangit mo!"Ako pangit? Isa lang ang pangit sa'kin lovelife ko, pero bukod dun wala na.

"Enough guys. Let's have a toast for Shaider's success!" Buti pa to si Madam support sa k-gwapuhan ko.

Isa-isa kaming nag-angat ng baso namin para makapag-toast at nag-salita na ako dahil bukod sa'kin wala ng iba pang marunong mag-grace dito.

"Father, thank you for the success of each of the members of Philadelphia's. Thank you for making my dreams come true. Cheers?" Isa-isa namin kinampay ang mga baso namin sa bawat isa.

"Enjoy lang kayo diyan mga G, asikasuhin ko lang yung ibang bisita!" Iniwan ko sa table ang mga kaibigan ko para i-welcome ang iba pang inimbita ko.

Baka kasi sabihin nila na porket gwapo ako hindi na ako namamansin ayaw ko naman magalit sila.

"Shaid's congrats, mas malaki ata tong bago kesa sa luma?" Tanong ni Charry ang loyal customer ng Assaults.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon