Chapter 14: Courting

596 34 2
                                    

Shaider

Nagising ako sa tigas ng kama ko at sa init ng kwarto ko. Nakikisabay pa sa hotness ko amputa!

Pero pag mulat ko ng mata ko nasa ibang bahay ako. Nilibot ko ang mata ko at nag isip kung nag hirap na ba ako? Pero hindi eh, imposible!

Nang tuluyan kong imulat ang mata ko. Naalala kong nasa bahay pala ako ni Shenley.

"Good morning sir!" Nasa langit na ba ako? Bakit mukhang anghel yung nakikita ko?

"Anong oras na?" Tanong ko rito.

"Alas otso na po."

"Ah. Papasok ka?" Taka ako nitong tinignan saka tumango.

"Wala kang pasok ngayon. Hindi ako pupunta ng Assaults." Sagot ko rito.

"Seryoso sir?"

"Shaider pogi na lang!" Kailan ba siya masasanay na laging may kadugtong na pogi ang pangalan ko?

"Yes madadalaw ko si Lola!" Napaka-oa niya, para bang kinulong ko na siya sa Assaults para sabihin na ngayon pa lang niya madadalaw ang lola niya.

"Hahatid na kita. Uuwi na rin ako."

"Hindi ko tatanggihan yan Shaider. Mag papalit lang ako." Salita nito.

"Sanay naman akong hindi tinatanggihan ng babae."

"Ewan ko sayo! Kain ka na ng almusal." Salita nito saka inihain sa lamesa ang tatlong pirasong tinapay at isang tasa ng kape. Buti na lang diet ako pwede na sakin to.

Pinag masdan ko si Shenley habang dali dali itong umaakyat ng hagdan. Hindi totoo yung sinabi ko noon na ang pangit niya sa umaga. Maganda siya, ang ganda niya para tumira sa lugar na to.

Napabalik ako sa realidad ng biglang tumunog ang cellphone ko at si Patrick ang tumawag.

Patrick: Hindi ka umuwi?

"Hindi. Bakit?"

Patrick: Wala lang ayain kita mag golf eh.

"Pass muna G. May inaasikaso lang ako."

Patrick: Nice one. Nakahanap ng bagong pag-ibig!

"Gago! Sige bye na!" Binabaan ko ng tawag si Patrick at inumpisahan ng kumain.

"Tara? Ai sige kain ka muna." Tanong ni Shenley ng bumaba ito ng kwarto niya.

"Hindi okay lang. Baka hinihintay ka na ni Lola." Tumayo na ako saka pinag buksan si Shenley ng pinto. Wala sa bokabularyo ko ang pag aayos dahil alam naman ng salamin kung gaano ako ka-gwapo. Shit lang diba?

May oras na ang nakalipas ng makarating kami sa hospital nina Paulo para dalawin ang Lola ni Shenley.

"Good morning doc." Bati namin ni Shenley sa nag r-rounds na doctor na naka-assign sa lola ni Shenley.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon