Chapter 23: Silent treatment

550 34 2
                                    

SHAIDER

Sisipol sipol akong pumasok ng Assault's ng makita kong naka-bukas na ito. Alam ko na kasi na nandito si Shenley dahil sa kanya ko iniwan ang susi.

Tumingin pa muna ako sa salamin ng bar counter at inayos ang buhok ko saka nag madaling umakyat papunta ng opisina ko.

Napangiti ako ng abutan ko si Shenley na may sinusulat kaya naman agad akong lumapit rito.

"Good Morning miss Cruz." Masayang bati ko rito.

"Morning po." Nagulat ako ng bigla itong tumayo at pinag buksan ako ng pinto pero hindi tumitingin sa'kin.

Nakakapanibago dahil sa hindi naman siya ganito, ang inaasahan kong Shenley na babati sa'kin ay yung ngingiti ng parang aso at tatanungin ako kung gusto ko ng kape.

"Kape sir?" Napatingin ako rito ng tawagin ako nitong Sir. Hindi naman kasi niya talaga ako tinatawag ng ganoon. Ganoon ba talaga siya kagalit dahil sa nangyari kahapon?

"Kakatapos.." Hindi pa man ako tapos mag salita at tuluyang nakaka-pasok ng opisina ko ay sinara na nito yung pinto.

Nice talking Shen. Bulong ko sa isip ko saka umupo na sa swivel chair ko at binuksan ang laptop.

Pipindutin ko pa lang sana ang telecom para itanong kay Shen kung mayroon ba akong meeting ngayon ay napansin ko na agad ang Planner ko na katabi ng telecom.

Pag buklat ko ng planner sa araw ngayon ay nakasulat na rito kung ano ang gagawin ko ngayong araw.

10:00 Update Mrs. Montgomery (P.S. Alam mo na daw yun.) Natawa ako sa P.S na nakalagay. Ibang klase talaga mag habilin si Madam.

12:00 Lunch meeting with Mr. Cuento
2:00 Meeting with Miss Ho for the reservation of Assault.
4:00 Fetch Sheridan in school
5:00 Open Barracks for happy hour
7:00 Dinner with Lyrical Assault.

Pag tingin ko sa orasan ay saktong 10:00 na kaya naman tinawagan ko na si Madam para i-update siya tungkol sa Philadelphia.

Madam: Hello?

Me: Madam tungkol dun sa in-order mo, kasado na. Kailan mo kukunin?

Madam: Itago mo muna please?Hay nako to si Madam, ang laki-laki nun saan ko kaya itatago yun?

Me: No problem Madam. Alam mo naman pogi ako eh.

Madam: Hahaha! Sabi mo eh. Siya, salamat. You're the best Shaids.

Pagka-end ng tawag ni Madam ay binuksan ko na ang laptop ko para tignan ang takbo ng Barracks this fast few weeks. Dalawang gabi din kasi na si Kurt ang nag bukas, mamaya hindi niya dineliver yung mga order kong alak sa kanya madugas pa naman yung gago na yun.

Nang mapansin kong ang tahimik ng Assaults dahil sa hindi ko naririnig ang boses ni Shenley na kumakanta ay lumabas ako.

"Miss Shen?" Napa-lapit ako dito ng naka-talikod ang swivel chair nito sa pintuan ko at nakaharap sa pader.

"Shen galit ka ba?" Tanong ko rito pero hindi kumikibo kaya lumapit pa ako ng kaunti.

"Shen, sorry na oh." Sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Miss Cruz kaya naman lumapit na ako rito.

"Huwag mo naman ako i-silent treatment. Look, gwapo yung boyfriend mo, hindi ko kasalanan na maakit siya sa hotness ko. Pero Shen, faithful ako walang nangyari sa'min. Sa kama siya natulog, sa sofa ako. You're too beautiful to cheat on. Maybe.."

Nagulat ako ng inikot ni Shen ang swivel chair na at muntik ng mahulog dahil sa pagkakakita sa'kin.

"Sir naman." Salita nito habang nakahawak sa dibdib niya saka inalis ang headset niya sa tenga.

"May kailangan ka ba sir?" Tanong nito.

"Huh? Ah, oo. Ano.. Yung kape."

"Ai oo nga pala. Sorry." Dali-dali itong pumunta ng mini pantry saka kumuha ng kape.

"May narinig ka ba kanina?" Tanong ko rito pag ka-abot niya sa'kin ng kape.

"Tungkol saan?"

"Wala." Sagot ko rito saka nag punta na ng opisina ko.

Tangina ka Shaider buti na lang walang narinig si Shenley kung hindi yari kang pogi ka!

Buti na lang talaga naka-headset ang isang yun kung hindi narinig pa niyang pinuri ko siya. Pero tangina kasi eh, bakit kasi ang cold niya sa'kin. Bwisit na buhay to.

Inabala ko ang sarili ko sa pag audit ng kita ng Assault. Ilang oras ang naka-lipas ng nakaramdam ako ng gutom kaya naman tinawag ko ulit si Shen.

"Saan ko gusto kumain?" Tanong ko rito sa telecom.

"Busog pa po ko." Sagot nito.

"Sige." Napabuntong hininga ako dahil sa sobrang tipid nga mga sinasabi sa'kin ni Shen ngayong araw. Ibang klase nakaka-panis ng laway. Mas gusto ko pa na tinatarayan niya na lang ako kesa sa ganitong sin-silent treatment niya ko.

Lumabas ako ng opisina para kumain na lang mag-isa. Balak ko kasi sana na isabay si Shen para makapag-usap kami at makahingi ako ng sorry sa kanya, pero wala dedma ang ka-pogian ko.

"Kain lang ako." Paalam ko rito habang may sinusulat siya sa binder niya.

Tumango lang ito saka muling itinuon ang pansin sa ginagawa niya.

Pag labas ko ng Assaults dumeretso ako sa Jollibee kung saan s tawid lang ng Assaults.

"Dalawang 2pc. Chicken joy, 2 large fries at dalawang large coke."

"That's all sir?" Tanong ng cashier.

"Dalawang extra rice."

"Dine in or take out?" Tanong nito.

"Take out." Pagkabayad ko sa cashier ay madali nitong kinuha ang order ko. Buti na lang madali lang dahil wala masyadong customer. Pagkalipas ng 5minutes, inabot na nito sa'kin ang order ko kaya dali-dali akong lumabas.

Pag balik ko sa Assaults ay naabutan ko pa rin si Shen na may sinusulat.

Huminga ako ng malalim saka lumakad palapit rito.

Napatingin ito sa'kin ng ilapag ko ang in-order kong pagkain para sa kanya saka naglakad na papasok ng opisina ko.

Hindi ko na siya hinintay pang mag salita dahil alam ko naman na tatanggi siya.

Ang tigas pala talaga ng bungo ng babae na yun, kung totoo kayang girlfriend ko siya at nahuli niya ko sa ganoong eksena baka hindi na siya nagpakita pa sa'kin. Buti na lang may kontrata siyang pinirmahan kung hindi baka hindi na lang siya pumasok dahil sa sobrang galit niya.

Nakaka-inis hindi ko alam kung paano ako hihingi ng sorry. Sana pala narinig niya na lang yung kaninang sinabi ko baka sakaling okay na kami ngayon.

Sa gwapo kong to, si Shen lang ang nagpatiklop sa'kin!

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon