Chapter 27: Dinner (Part 2)

536 36 2
                                    

Shenley

Pag uwi ko galing sa hospital ay dumiretso na akong furniture shop para kumpletuhin ang gamit rito sa bahay na nilipatan namin.

May ilang gamit pang kulang pero ang importante ay nauna kong yung mahahalagang gamit.

Alas singko ng maka-uwi ako sa bahay sakay ngg service ng furniture shop na binilan ko. Pag uwi ko maayos na lahat ng gamit at naabutan ko si Manong Oca na nagpapahinga.

Nagpasalamat ako rito pero mas siya ang nag pasalamat sa'kin dahil sa maayos rin nilang titirhan ni Manang Nena. Pamilya ko sila, at ang pamilya hindi nag iiwanan sa hirap man o ginhawa.

Nang maayos na namin ni Manong Oca ang mga gamit ay agad akong nagpaalam rito na mamimili lang ng pang hapunan namin para ngayong gabi. Pero nagsabi to na hindi siya sa bahay mag hahapunan dahil mamasada pa siya ng jeep.

Hanggang sa pumasok sa isip ko si Shaider na hindi ko alam kung bakit kaya naisip ko itong itext para ayain na dito na lang mag dinner.

***

Shaider

Sisipol sipol akong lumabas ng Assault para puntahan si Shenley. Iba talaga ang karisma ng gwapo. Babae ang nag aaya ng dinner.

"San ka pupunta?" Tanong ni Patrick ng madaanan ko to sa counter bar na may hawak na basong may laman alak.

"Dyan lang." Sagot ko rito saka naglakad na. Nagulat ako ng bigla ako nitong inakbayan.

"Sama ko." Sabi nito saka inilapag ang basong hawak niya.

"Gustuhin ko man G, lakad lang to ng gwapo."

"Gwapo pa nga ko sa'yo eh. Sama na ko." Hay naku naman tong si Patrick daig pa walang hanap buhay at sasama pa sa dinner namin ni Shenley.

"Kapal mo. May dinner date ako. Huwag ka na sumama." Napabitaw ng akbay sa'ki si Patrick saka ako hinampas sa six packs abs ko.

"Seryoso ka?" Tanong nito na para bang hindi alam na gwapo ang kaibigan niya.

"Oo. Ano sasama ka pa?" Tanong ko rito.

"Hahaha! Hindi na. Basta siguraduhin mong si Miss Cruz yan." Sabi nito kaya napa iwas ako ng tingin.

"Hahaha! Nice. Sige na, baka magbago pa isip nun." Salita nito. Hindi ko na to sinagot pa at naglakad na palayo. Wala akong panahon kausapin ang pangit na nilalang kong kaibigan. Mas gusto ko pang isipin kung ano ang maganda kog dadalhin kay Shenley para sa dinner namin.

Habang nag drive ako papunta kila Shen, may nadaanan akong coffee shop kaya agad akong nag park para bumili.

"Good Evening sir." Bati ng cashier lady sa'kin.

"Miss bigyan mo nga ako ng pinaka-mahal na cake niyo."

"That would be all sir?"

"Gustuhin ko mang i-take out ka miss. Baka magalit yung girlfriend ko, kaya yung cake na lang bibilhin ko." Halatang kinilig si Ate sa sinabi ko. Sino ba namang hindi? Hindi ko naman siya masisisi.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon