Chapter 52: Brother?!

244 8 3
                                    

Sobrang dami ng nangyayari isang taon na rin ang nakakalipas simula ng maging kami ni Shaider. Minsan may mga pagkakataon na may hindi kami napag kakasunduan dahil sa mas matigas pa ang bumbunan ng tao na yun kesa sakin. Minsan mas parang siya pa yung 19 years old kung makapag-lambing sa'kin. Mas clingy kasi at showy si Shaider kesa sa'kin.

"Happy anniversary." Napangiti na lang ako ng pumasok sa opisina si Shaider na may dalang bulaklak.

Sa kanya pa din ako nag tra-trabaho bilang sekretarya niya at nag aaral na rin ako sa college. Sakto kasi na nagkabigayan ng scholarship sa Montgomery University at isa ako sa napili bilang bigyan ng full scholarship. Pero sa tingin ko advantage na rin na isa akong Philadelphia kaya na grant ako ng full scholarship.

"Salamat" hinalikan ko si Shaider sa labi at saka inabot ang bulaklak rito. Pang isang taon na namin ngayon bilang mag boyfriend-girlfriend.

"Naka-ayos na lahat ng pipirmahan mo pati yung minutes tungkol sa meeting nung nakaraan."

"Papasok kana?" Tumango lang ako rito bilang pag sagot. Bago kasi ako pumasok ay inayos ko muna ang mga kailangan ni Shaider.

"Hatid na kita." Aya nito at dinala na ang bag ko.

"Sure ka?" First time kasi akong ihahatid ni Shaider sa school lagi niya lang akong pinapahatid at sundo dito.

"Wala naman masyadong gagawin." Sagot nito. Yun ang dahilan kung bakit hindi niya ako magawang ihatid o masundo.  Kinuha na nito ang bag ko saka naglakad para buksan ang pinto palabas ng opisina niya ako naman dinala ko ang bulaklak na binigay niya sa'kin. Minsan kasi na naiwan ko sa opisina ang bigay nitong bulaklak nagtampo ang loko! Wala na raw akong pakielam sa mga binibigay niya.

"Kanino kayang sasakyan yan?"

"Hala ang gwapo!"

"Wait girls, andiyan na ang sundo ko!" Napailing nalang ako dahil sa mga bulong-bulungan ng mga estudyante rito sa Montgomery University. Mayayaman naman sila pero bakit nagpapapansin pa sila sa boyfriend ko?

"Shenley?" Takang-taka na tanong ni Bernadette. Ang classmate ko na feeling maganda.

"Hi Shen!"

"Jude!" Taka naman akong tinignan ni Shaider ng batiin ko pabalik si Jude na blockmates ko rin.

"Kuya mo? Hello po kuya!" Halos mang laki ang mata ko dahil sa sinabi ni Jude kay Shaider. First time niya lang kasing nakita ito dahil unang buwan palang naman ng first semseter. Si Jude ang blockmates ko na pinagkakaguluhan sa classroom namin hindi dahil sa gwapo ito o macho pinagkakaguluhan siya dahil siya lagi ang binu-bully ng mga classmate ko. Hindi ko lang natiis na makita siyang ginaganun kaya I stand for him. Simula nun dikit na ng dikit sakin tong mokong na to Kasi feeling daw niya may ate na siya. Anyway, 18 lang kasi siya.

"Aba loko to ah!" Halos bitbitin ko na si Shaider sa pag awat rito dahil sa aambahan nito si Jude buti na lang at mabilis kumilos si Jude kung hindi baka siya ang  nabitbit nito.

"Sino ba tong kutong lupa na to?" Maangas na tanong ni Shaider na halatang asar na asar dahil napagkamalan siyang kuya ko! 

"Ah jude hindi ko siya kuya, boyfriend ko siya!"

"Huh boyfriend mo?" Takang tanong naman ni Jude.

"Bakit papalag ka ha?" Pag hahamon naman ni Shaider.

"Sige na papasok na kami. Akin na yung libro ko. Ingat ka pag drive."

"Ako na mag dadala Shen. Pasensya na pare kung napagkamalan kitang kuya ni Shen." Inismiran naman ni Shaider si Jude.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon