Chapter 24: Shenley's feeling

613 31 4
                                    

Shenley

Para akong nakalutang sa alapaap ng ilapag ni Shaider ang dala niyang take-out meal para sa'kin.

Para akong tangang napapangiti, dahil sa narinig kong sinabi niya kanina.

Gaano ba ka-importante ang isang mahirap na katulad ko sa kanya? Oo, nainis ako kahapon dahil sa ginawa niya, pero kung tutuusin wala naman akong karapatan na magalit dahil hindi naman talaga kami, at isa pa bayad ang pagpapanggap ko bilang girlfriend niya. Pero ano tong nararamdaman ko? Ano tong ngiti na lumalabas sa labi ko?

Sa araw-araw na magkasama kami ni Shaider sa trabaho, para bang walang segundo na hindi na siya umalis sa isip ko.

Natutuwa ako sa tuwing pinag bubuksan niya ako ng pintuan. Natutuwa ako tuwing nakaka-tanggap ako ng text mula sa kanya. Natutuwa ako sa tuwing tinatanong niya ako kung ano ang gusto kong kainin. Natutuwa ako sa tuwing sumasama siya sa'kin para dalawin si Lola, sa tuwing tinatanong niya kung kamusta na ba ito.

Tangina, alam ko ang pakiramdam na mahal mo ang isang tao. Nahuhulog na ba ko sa kanya? Alam kong hindi tama. Hindi dapat. Pero hindi ko mapigilan. Lalo na nung araw na nasa beach kami. Kung paano niya ilagay ang kamay niya sa bewang ko, kung paano niya ako batuhan ng ngiti. Kinikilig ako nung mga araw na yun.

Pero alam ko naman na hindi magugustuhan ng isang Shaider Toretto ang isang Shenley Mae Cruz.

Tigilan mo yan Shenley! Napa tinag ako sa kinauupuan ko ng parang biglang may bumulong sa'kin.

Tangina! Konsesnya ko ba yun o feelings ko? Wala naman pakisama!

Napatayo ako ng biglang lumabas si Shaider sa pintuan ng opisina niya habang sinusuot ang coat niya.

"Are you ready?" Tanong nito.

"Po?" Gulat na tanong ko rito.

"May meeting tayo with Miss Ho, remember?"

"Kasama ko?"

"Oo. Sino mag take down note ng pinag usapan namin?" Tanong nito.

Ano ba yan bakit lutang ang isip ko. Tumalikod ako kay Shaider saka sinampal ng mahina ang pisngi ko.

"Miss Cruz?" Tawag nito kaya agad kong nilingon si Shaider.

"Let's go?" Tanong nito.

"Ah oo." Kinuha ko ang gamit ko saka pinatay ang desktop.

"Hindi mo kinain?" Tanong ni Shaider ng mapansin nito ang take-out meal na binigay niya.

"Nakalimutan ko. Tara?" Aya ko rito saka ako naunang maglakad.

Nang bubuksan ko na ang main entrance ng Assaults, napatingin ako kay Shaider ng bigla nitong hawakan ang handle ng pinto.

"Lady's first." Salita nito. Ngumiti ako kay Shaider saka lumabas na.

Nauna si Shaider na pumunta sa kotse nito at pinag buksan ako.

Pupunta kami ngayon sa isang restaurant para makipag meeting kay Miss Ho. Dapat kasi sa Assaults ang meeting kaso mas pinili noon ni Shaider na mag meeting sa isang fine dine resto.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon