Chapter 19: About Rivals

581 33 1
                                    

Shenley

Hininto ni Shaider ang motor nito sa parking area ng tatlong fast food chain sa Bayan ng Nasugbu.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong nito ng kuhain niya sa'kin ang helmet na hinubad ko.

Sa totoo lang ayaw ko sa mga ganitong fast food chain, bukod sa ang mahal na hindi pa na-solve ang tiyan ko.

Nilibot ko ang mata ko sa mga kanto nagbabaka-sakaling mayroon karinderya na lutong bahay.

Hanggang sa natanaw ng mata ko ang isang kainan. "Doon tayo!" Sagot ko rito. Kinuha ko ang kamay ni Shaider saka kami sabay na naglakad patawid sa karinderyang nakita ko.

"Welcome to Ihawan ni Tatay Ron." Salita ng babae saka inabot sa'min ni Shaider ang menu na pag pipilian.

"Ano gusto mo?" Tanong ni Shaider.

"Ate, ito bang kainan sa dahon kasama talaga yung pusit, hipon at bangus?"

"Opo, good for 2-3 person po yan."

"Gusto mo nito?" Tanong ko kay Shaider saka pinakita rito ang gusto kong kainin.

"Sige ayan na lang." Madaling sagot nito na halatang gutom na rin.

"Mga ilang oras po yan?" Tanong ko kay ateng waitress.

"30 minutes po Ma'am."

"Sige yan na lang Ate. Saka pa order na rin ng softdrinks kahit ano basta malamig." Pagka-kuha ni Ate ng order namin ay umalis na rin ito.

Habang naghihintay kami ni Shaider sa order namin ay naisipan ko na itong tanungin tungkol sa hindi nila pagkaka-sundo ni Clark.

"Shaider, may tanong ako. Pero kung ayaw mo sagutin. Ok lang." Inilapag nito ang cellphone niya saka tumingin sa'kin.

"Kung tatanungin mo kung gwapo ako. Hindi pa ba halata? My ghad Shenley." Salita nito. Hindi ako nag dalawang isip na ibabato ko rito ang tissue na hawak ko pero madali itong umiwas.

"Ano ba yun?" Tanong nito.

"Bakit hindi kayo magkasundo ni Clark? Simula pag dating natin, napansin ko na yun. Mag pinsan ba talaga kayo?" Usisa ko rito.

"Gago kasi talaga yung pinsan ko na yun. Simula bata pa lang kami hindi na kami mag kasundo. Sa laruan, sa damit, sa ulam. Pati sa Lola namin. Parehas kasi kaming palaki ng lola namin.

Hanggang sa naka-kilala kami ng batang babae noong eleven years old kami, nag bakasyon kami dito dahil fiesta.

I called her Summer dahil ang pangit ng pangalan niya Ineng na laging tinatawag sa kanya ng Mama niya." Paunang kwento nito, pinutol ko doon ang kwento ni Shaider para tanungin.

"Niligawan niyo parehas?"

"Baliw hindi, five years old lang nun si Summer."

"So dahil dun kaya kayo nag-away?" Tumango ito saka nag umpisa ulit mag kwento kaya nakinig na ako.

"Hindi ko alam kung kaninong bisita sila Summer nun, basta dun sila tumutuloy kila Manang.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon