Chapter 28: Cheerleader

510 31 2
                                    

Shenley

Hinanap ko si Shaider kung saan napunta ng mawala ito sa sala habang nag huhugas ako ng pinagkainan namin.

Sinilip ko ito mula sa labas dahil baka sakaling nanonood ito ng mga naglalaro ng basketball.

Pero kinagulat ko na siya na mismo ang naglalaro na naka-suot pa rin ng corporate attire nito.

"Ate Shen, ang galing po ng boyfriend mo." Salita ni Essang. Ngumiti lang ako rito saka tuluyan lumabas para panuorin si Shaider.

Halos lahat ng kakampi niya sa kanya pinapasa ang bola at sasabayan nito ng three points. Kung kanina kaunti ang taong nanunuod, ngayon naman parang may basketball league na dahil sa dami ng tao.

Sa tuwing makaka-shoot si Shaider o makaka-agaw ng bola tilian ang mga kabaklaan sa lugar namin.

"Mahusay ang bata mo." Napangiti ako kay Mang Oca ng dumating ito saka ako inakbayan.

"Hindi ko inaasahan na kaya pala niyang makisalamuha sa mga mababang tao." Dugtong ni Manong Oca habang nanunuod kami ng laro.

Tama ang sinabi ni Manong Oca, halos lahat ng tao sa skinita noon ay natutuwa kay Shaider sa tuwing pumupunta ito dahil sa sobrang aliwalas ng mukha niya, palagi rin siyang bumabati sa mga taga skinita sa tuwing darating siya.

"Manong Oca, paano mo nakalaro si Shaider?" Tanong ko.

"Tinawag ko at inaya ko mag laro. Kulang kasi ng player. Siya pa nga nagbayad sa ilaw dahil kulang yung pusta." Natatawang kwento ni Manong Oca. Ang kapal talaga ng mga tiga-samin.

Napahinto ako ng biglang lumapit sa'kin si Shaider na hingal na hingal at saka sumenyas na gusto niyang uminom ng tubig saka muling tumakbo.

Agad akong kumuha ng tubig saka ng tuwalya para ipunas kay Shaider.

Saktong paglabas ko ay naka-tayo si Shaider sa harap ni Manong Oca at pinag mamasdan ang mga kakampi nito.

Inabot ko ang tubig kay Shaider saka inalampay rito ang tuwalyang kinuha ko saka pinunas sa mukha nito.

"Thank you." Salita nito saka muling tumakbo papunta ng kabilang side ng ring.

Lahat ng tao ay tuwang tuwa kay Shaider kahit pati ako napapatalon sa tuwing makaka-agaw si Shaider ng bola.

Para na akong nanunuod ng PBA dahil sa pag tili ko.

"Go Shaider!" Cheer ko dito ng tumapat ito sa harap ko. Lumingon ito sa'kin saka ako kinindatan. Lahat naman ng kabataan dito sa'min ay naglapitan sa'kin saka ako winasiwas.

"Ate Shen kakilig!" Salita ni Dona. Natawa lang ako rito saka muling pinanuod ang laro.

Nang matapos ang laro ay agad akong tumakbo kay Shaider saka nagtatalon dahil panalo sila.

"Ang galing mo!" Puri ko dito saka ito tinalon ng yakap. Napansin ko lang ang ginawa ko ng biglang may hiyawan ang tao sa court kaya napabitaw ako rito.

"Punas kang pawis." Salita ko saka naglakad na papunta ng bahay.

Tinampal ko ng ilang beses ang mukha ko dahil sa ginawa ko. Hindi naman liga ang nilaruan ni Shaider pero masyado akong na carried away. Nakakahiya! Nakita pa mismo ng mga tao sa'min kung gaano ako kahanga sa Boss ko.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon