Chapter 38: Lean on me.

422 24 1
                                    

Shenley

Sinasamantala ko ang init ng panahon kaya naman ito halos mangalay na ako kaka-kusot, banlaw at piga ng damit na nilaban ko.

Pano ba naman kasi sa dinami-rami ng makakalimutan ko bilhin washing machine pa. Sanay naman akong maglaba, naging side line ko nga yon pero nakakapanibago ngayon dahil may kobre kama, kurtina at mga sapin sa kung saan saan na kong nilalaban.

"Shen." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Shaider at bigla akong niyakap.

Sa pag yakap ni Shaider na yun ramdam ko ang panginginig ng katawan nito. Para akong yakap ng isang bata na nag susumbong dahil sa inaway siya ng kalaro niya.

"Galit na galit ako sa kanya." Bulong nito habang tuloy pa rin ang yakap sa'kin.

"Kanino? Anong nangyari?" Tanong ko rito.

"I hate him. Dapat hindi nalang ako pumunta, dapat hindi na lang ako naging isang Toretto." Salita nito ng kumalas sa pag kakayakap sa'kin.

"Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako matawag na anak and worst? Hindi niya kilala si Sheridan bilang anak niya." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ni Shaider dahil sa pag iyak nito.

Para siyang bata kung umiyak, para siyang aping-api.

"Tungkol ba to sa Papa mo?" Tanong ko rito.  Na kwento na noon ni Shaider na patay na ang mommy niya dahil sa sama ng loob, kaya marahil ang nilalabas nitong sama ng loob ay tungkol sa kanyang Ama.

Tumango lamang si Shaider at doon nag iba bigla ang itsura ng mukha niya. Nagkaroon agad ng galit.

"Sana hindi na lang ako nag aksaya ng panahon para puntahan siya. Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito." Salita nito.

Sa unang beses nakita ko ang pag hagulgol sa iyak ni Shaider. Agad ko itong niyakap at dinantay sa mga balikat ko.

"Ang sakit. Noon pa man hindi niya na akong tinuring na Anak, hanggang ngayon. Kaya ako naging ganito kasama dahil sa kanya." Patuloy sa pag iyak si Shaider na para bang hindi nauubusan ng luha.

Halos hindi ko na rin maintindihan ang binibigkas na salita nito dahil sa mas naririnig ko ang pag iyak nito.

"Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang ituring na Ama, o sabihin na mahal ko pa siya bilang ama." Malinaw na pagkakasabi ni Shaider.

"Huwag mong hayaan galit ang mamuo diyan sa puso mo Shaider. Isipin mo ang mga taong nag mamahal sayo. Siguro hindi kayo ngayon okay ng Papa mo, pero in time magiging maayos din ang lahat. Ma swerte ka, kahit may hindi kayo pag kakaunawaan andiyan siya at alam mo na siya ang Papa mo. Ako kahit gustuhin ko man magalit o umiyak, hindi ko alam kung sino ang iiyakan ko o kung kanino ako magagalit dahil wala naman akong nakilalang Papa." Ito lang ang nasabi ko kay Shaider. Hindi ko alam kung makakapag pagaan sa loob niya pero sana makatulong.

"Si Sheridan asan? Okay ba siya?" Tanong ko rito.

"Kasama niya si Clark." Sagot nito.

Pinunasan ko muli ang luha ni Shaider. "Gusto mo ba magpa-hinga?" Tanong ko rito. Pero hindi ito sumagot kaya naman kinuha ko ang kamay nito para sundan ako.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon