Chapter 26: Dinner

580 39 4
                                    

Shenley

Naka-ngiti kong sinalubong si Lola pag punta ko ng hospital para dalawin ito. May isang buwan na rin si Lola sa hospital ang sabi ng Doctor kahit papaano daw may improvement kay Lola.

"Lola." Naka-ngiti kong bati rito saka inilahad ang noo ko sa kamay nito para mag mano.

"Ma-e, andiyan ka na pala." Salita naman ni Manang Nena. Buti na lang andiyan si Manang Nena para bantayan si Lola. Paano na lang kung wala siya? Mabait talaga ang diyos dahil sa mga taong ginagamit niya para tulungan ako.

"Kumain na po kayo?" Tanong ko rito saka inabot ang pagkaing niluto ko para sa kanila ni Lola.

"Kinain ko kanina yung rasyon dito sa hospital." Sabi ni Manang Nena saka tumayo at nag punta ng banyo.

"La, may maganda po akong balita." Naka-ngiting salita ko kay Lola saka na-upo sa plastic na upuan.

"La, naka-kuha po ako ng maliit na apartment mas maayos po kesa sa bahay natin."

"Saan?" Napatingin ako kay Manang Nena ng bigla itong dumating.

"Malapit lang rin po sa'tin. Manang Nena, kung sakali po ba papayag kayo na doon na rin tumira ni Manong Oscar?"

"Apo, napaka-buti ng Diyos. Mabuti siya sa'yo dahil mabait ka sa ibang tao." Salita ni Lola na naluluha pa habang hawak ang kamay ko.

"Sigurado ka ba na gusto mo kaming isama?" Tanong ni Manang Nena.

"Kayo na po ni Manong Oca ang kinalakihan kong Magulang. Kung hindi po dahil sa malasakit niyo sa'min ni Lola baka po kung saan na kami pulutin."

Nak-ngiti akong niyakap ni Manang Nena saka pinunasan ang luha nito.

"Nena, matutuwa si Oca niyan. Maraming Salamat Panginoon." Salita ni Lola saka hinalikan ang necklace na rosaryong suot nito.

"Up and down po yung bahay, may isang kwarto sa baba at isang kwarto sa taas. Sa baba po kami matutulog ni Lola para hindi po siya mahirapan, kayo na po ni Manong Oca sa kwarto sa taas." Inabot ko ang duplicate ng susi ng bahay na inupahan ko kahapon.

Katuwang ko si Manong Oca at ang wasalak sa tondo na nag lipat ng gamit kanina bago ako pumunta rito. Si Manong Oca ang naiwan sa tondo para mag asikaso kaya naman nagkaroon ako ng oras para dalawin si Lola.

Sa halos isang buwan kong pag t-trabaho kay Shaider bilang sekretarya niya, malaki ang pinag bago ng buhay ko at ni Lola. Kung dati nag aalmusal ako ng hangin, ngayon nakaka-tikim na ko ng masasarap na ulam. Kung dati panay mura sa'kin ng may ari ng bahay na inuupahan namin ngayon halos halikan niya pati kuko ko sa paa dahil wala akong halos utang sa bahay. May swerte pa rin ako sa katawan dahil sa nakilala ko si Shaider. Kung hindi dahil sa mabuti niyang puso, baka nag benta na ko ng katawan matustusan lang si Lola.

"Kamusta pala kayo ng boyfriend mo?" Napa-nganga ako ng mag tanong si Manang Nena.

"Po? Sino po?" Tanong ko kay Manang Nena.

"Si Shaider. Napaka-swerte mo sa nobyo mo Ma-e, hindi lahat ng babae nabibiyaan ng ganoon kabait at ka-gwapong boyfriend. Sabi ng mga nurse dito, maswerte ka raw at isa sa pinaka-mayaman na binata sa Pilipinas ang naging boyfriend mo."

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon