Chapter 9: Shaider's World

738 34 0
                                    

Shenley

"Galing mo pala mag english kwago!" Puri ko kay Shaider ng matapos ang meeting niya tungkol sa offer ng Wee Industrial sa Montgomery Corporation.

Ano kayang lahi ng mokong na to? Fluent na fluent mag english eh.

"Gwapo Shen! Gwapo!" Aapila pa sana ako rito pero pinapasok na ako nito sa sasakyan niya.

"Pwede bang mag-request?" Tanong ko rito ng maka-sakay na rin siya ng sasakyan niya.

"Ano?"

"Hatid mo naman ako sa Barracks!" Malapit na kasi ang shift ko at kung mag c-commute ako baka ma-late pa ko. Magalit pa sa'kin si Manager Yuan.

"Grabe Boss mo ko hoy! Pero sige nagugutom na rin kasi ako eh. Libre mo ko ah!" Lagi talagang gutom tong kwago na to!

"Ikaw dapat mang-libre na-close mo kaya yung deal kay Mr.Wee!" Ayoko gumastos no at isa pa wala na akong pera pinang-down ko na sa opera ni Lola.

"Kunat mo kakasahod mo lang eh!"

"Nakita mo ba na nag-bayad ako sa hospital?" Yaman-yaman kunat kunat!

Tinuro ko kay Shaider ang daan papunta ng Barracks, medyo traffic pa yung nadaanan namin kaya naman nakaka-bagot at isa pa hindi rin nag sasalita ang mokong na to na nakakapag-taka. Bipolar siguro to?!

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa bintana ng sasakyan na isang batang may dalang kumpol ng rosas.

"Boss bili mo naman yung nililigawan mo ng bulaklak!" Alok ng bata ng ibaba ni Shaider ang salamin ng bintana.

"Sige, sabihin mo muna pogi ako!" Natawa ako ng malakas masabihan lang ng pogi uutuin pa yung bata!

"Bossing pogi bili ka ng bulaklak. Sige na! Pag bumili ka naka-tulong kana, nagka-syota ka pa! Diba Ate?"

"Bagay ba kami?" Tanong ni Shaider sa bata, madali naman tumango ito na para bang excited na excited mabili lang ang bulaklak niya.

"Boss ko siya, hindi siya nang liligaw sa'kin!" Pag apila ko.

"Magkano ba lahat yan?" Tanong ni Shaider saka kinuha ang wallet sa bulsa niya.

"250 boss." Kumuha si Shaider ng 300 pesos sa wallet nito at inabot sa bata. Amoy na amoy ko ang pabango nito ng  umusog siya bahagya para i-abot sa bata ang bayad.

Napatingin ako sa kaliwang side ng daan dahil sa pag-lapit ni Shaider na halos kaunting pagitan na lang ay mag tatama na ang mga mukha namin.

"Hoy mga wala ba kayong espirito santo!" Napabalik si Shaider sa manibela nito ng biglang nag businahan ang mga sasakyan na nasa likuran namin.

Hindi ako basta-basta nahihiya, pero bakit ganito pakiramdam ko namumula ang mukha ko dahil sa nangyari. Alangan namang kinikilig ako rito eh hindi nga kami magkasundo kahit pa boss ko na siya ngayon.

"Turo mo na lang ulit kung saan yung daan."

Tumango lang ako rito dahil hiyang-hiya pa rin ak nakakainis naman!

Pag dating namin sa Barracks ay agad akong sinalubong ni Manager Yuan.

"Save by the bell Shen. Hinihintay ka na ng banda!" Napatingin ako bigla kay Shaider ng nabaling ang tingin dito ni Manager Yuan na nagtataka.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon