Chapter 18: Stroll

641 35 1
                                    

Shenley

Nagising ako na ako na lang ang tao sa bahay nila Shaider kaya nilibot ko ang buong bahay para hanapin sila.

Mula rito sa kusina narinig ko ang tunog ng bola ng basketball kaya sinilip ko kung sina Shaider ba yun. Hindi nga ako nagkamali at sina Shaider at Clark nga iyon na naglalaro ng one on one sa basketball.

Nang maka-timpla ako ng kape,tinungo ko ang dalawa saka naupo sa swing na gawa sa sako na naka-kabit sa dalawang puno ng mangga.

Para namang hindi ako napapansin ng mga ito kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na istemahin ang mga ito.

Kung tutuusin mas malaking bulas si Clark kay Shaider pero mas malaki ang katawan ni Shaider. Mamula-mula ang kutis ni Shaider at si Clark naman ay kayumanggi dahil siguro laki ito sa probinsya. Mas maamo ang mukha ni Shaider kesa Clark na kung hindi mo kilala ay mapagkamamalan mong badboy, samantalang si Shaider naman ay gentleman. Kaya kung maiipit ka sa sitwasyon na papipiliin kung kanino ka sasama ay pipiliin mo si Clark na sa tingin mo ay ligtas ka pero may kapalit ang pag ligtas niya sa'yo.

Pero kung ako ang tatanungin pipiliin ko si Shaider na gentleman ang itsura dahil sa iniligtas ka na nito mararamdaman mo pang safe ka.

Napahinto ako sa pag iimahinasyon ng mapunta sa paanan ko ang bola na kinuha ni Shaider.

"Buti nagising ka na. Nakakita ko ng inspirasyon." Salita nito saka kumindat at pinasa ang bola kay Clark.

Mas maganda pa lang tignan ang dalawang to na hindi nag tatarayan. Maririnig mo ang tawa nila na parang walang alitan. Pero may alitan nga ba sila?

"Haha! Paano ba yan? Bukas na kayo uuwi?" Salita ni Clark na pinagtaka ko. Ano ba ang pinag pustahan ng dalawang ito?

"Madaya ka kasi." Natatawang salita ni Shaider saka umapir kay Clark.

"Anong pustahan nyo?" Tanong ko sa dalawa dahil sa curiosity.

"Pag nanalo ako, bukas kayo uuwi. Pag natalo naman ako, i-date kita." Sagot ni Clark.

Aba't siraulo rin tong si Shaider, alam ng pinsan niya na girlfriend niya ako pumayag siyang ayun ang pag pustahan nila.

Nang makapasok si Clark sa loob ng bahay ay umupo si Shaider sa harapan ko saka inabot sa'kin ang towel nito.

"Punasan mo ko." Utos nito na parang may katulong.

"Ano ka chicks?"

"Bahala ka mahahalata ni Clark na hindi kita girlfriend."

"Gunggong. Pumayag ka nga ipusta na maka-date ko siya eh." Salita ko rito saka inabot ang face towel at inumpisahan ng punasan ang mukha niya na namumula dahil sa init at pawis.

"Kaya nga ko nagpatalo diba para hindi ka niya ma-date?" Sagot nito na kinabigla ko. Napangiti na lang ako bigla dahil sa sinabi niya kaya naman ginanahan akong punasan ang katawan nito na naliligo sa pawis.

"Magpaalam ka ulit kay Lola na bukas ka na uuwi. Dun na tayo dederetso sa ospital para nandoon ka pag inoperahan na siya." Suwestiyon nito.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon