Chapter 39: Step brother

268 9 0
                                    

CLYDE

Bago pa man makaalis si Shaider sa mansion naiayos ko na ang sasakyan ko para masundan siya. Ilang taon na rin ang nakakalipas ng huli ko siyang nakita at hindi pa rin nagbabago ang Shaider na nakilala ko noon. Mataas ang pride, hambog at tiwala masyado sa sarili.

Kunot noo man pero patuloy ko pa rin sinusundan si Shaider sa lugar kung saan ito papunta.

"Sinong pinupuntahan niya rito?" Tanong ko sa sarili ko. Squatter area ang lugar na ito at hindi ang tipo ni Shaider ang titira sa lugar na to.
Mula sa kotse ko kita ko kung paano batiin si Shaider ng mga tao rito para bang kilalang kilala na siya rito.

Nabigla ako ng may kumatok sa bintana ng kotse ko na agad ko naman binuksan.

"Boss hold-up to." Natawa ako sa sinabi ng lalaking nasa harap ko na may dalang patalim.

"Eh kung pasabugin ko yang ulo mo?" Sagot ko rito at tinutok ang baril sa kanya. Agad naman itong umalis habang kumakamot sa ulo niya.

Ilang minuto pa ang nakakalipas bumaba ako sa sasakyan upang sundan si Shaider.

"Boss, mukang may hinahanap kayo." Usisa ng lalaking kausap ni Shaider kanina.

Nagkaron ako ng pagkakataon para magtanong rito.

"Kasama ko yung lalaking kausap niyo." Sagot ko rito. Alam kong maituturo nila sa'kin kung nasaan si Shaider dahil halata naman na kilalang kilala siya ng mga ito.

"Ah, si boss Shaider ba? Ponyong samahan mo nga si boss kila Shenley." Utos ng lalaking kausap ko.

Tama nga ang hinala ko kilala si Shaider sa lugar na ito.

Masikip ang daan na dinaraanan namin at sa dulo nito isang malawak na basketball court ang tumambad sa'kin.

"Sir, duon po kila Shenley." Turo ng lalaki sa bahay sa ilalim ng ring ng basketball.

"Ah sige salamat." Duon ko nga nakita si Shaider at ang babaeng pinupuntahan nito.

Tantya ko ay malayo ang agwat ng dalawang ito sa isa't-isa. Hindi ko naman akalain na mahilig pala sa mas bata sa kanya ang gagong Shaider na to.

"Kuya sino pong hinahanap niyo?" Tanong sa'kin ng isang batang babae.

"Kilala mo ba kung sino ang nakatira dun?" Tanong ko rito sabay turo sa bahay kung saan ko nakita si Shaider.

"Ah si Ate Shenley po."

"Anong totoong pangalan niya?" Tanong ko rito.

"Shenley Cruz po." Sagot nito.

Hindi na ko nagtagal sa lugar na ito at umalis na rin ako.

"Mukang alam ko na kung na kanino ang kahinaan mo Shaider."

***

SHAIDER

Alas siyete ng gabi na ko nagising mula sa pagkakatulog ko sa kwarto ni Shenley. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa siguro sa pagod at pag iisip.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon