Chapter 7: Offered

800 42 2
                                    

Shenley

Hindi ko alam kung hulog ba ng langit ang lalaking to o kampon ni Satanas.
Hulog ng langit dahil sa binayaran niya ang upa ng bahay namin kasabay ng pag-tulon niya sa'kin kagabi at kampon ni satanas dahil pakiramdam ko may kapalit ang pag tulong niya kahit bayaran ko pa yun.

"Matagal na kayo dito?" Tanong ni Shaider ng ihinain ko dito ang binili kong pansit sa kanto at pandesal saka umupo.

"Oo since birth."

"Nagkakape ka ba?" Tanong ko rito.

"Starbucks ba yan?" Tsinelasin ko kaya tong isang to? Kitang 3 in 1 na kape ang dala ko tatanong kung starbucks pa ang dala ko. Kahit naman na laki ako sa hirap alam ko kung ano yung starbucks kaya wag siyang ano!

"Siraulo! Inumin mo na lang pa s-starbucks starbucks ka pa!"

Kakagatin ko na sana ang pandesal na pinalamanan ko ng pansit ng bigla itong nag sign of the cross.

"Lagi ka bang nag dadasal o pakitang tao ka lang?" Tanong ko rito.

"Dati wala sa espirito ko ang pagdadasal pero may isang taong nag turo sa'min kung bakit kailangan." Tumango-tango lang ako rito saka tuluyan ng kinagat ang pandesal na hawak ko.

Bigla akong napa-hinto ng nakatingin lang ito sa'kin. Tangina bakit bigla akong nahiya sa isang to? Kung makatitig kasi siya parang inistema niya ang pagkatao ko sa kung paano ako kumain.

"Gusto mo?" Tanong ko rito peri umiling lang to.

"Shenley tama?" Tanong nito kaya tumango lang ako.

"Sorry kung nawalan ka ng trabaho dahil sa akin. Ikaw naman kasi sa gwapo kong to napagkamalan mo kong waiter. Kung gusto mo may offer akong trabaho sa'yo."

Sa tono ng isang to gusto ko ng maniwala na biyaya nga siya ni Lord.

Kailangan ko pa kasi ng isang trabaho dahil alas singko ang bukas ng Barracks. Sayang naman yung oras ko sa umaga ngayon pa na lumalaki na ang bill namin sa hospital.

"Anong trabaho?"

"Napakadali. Walang kahirap-hirap!"

Napa-ayos ako ng upo dahil sa na excite ako sa salita nito.

"P.A ko." Tangina! Seryoso ba tong kumag na to? Personal Assistant? Ano siya artista?

"Gusto mo salaksakin kita ng tinidor?"

"Hahaha! Alam mo ang cute mo pag nagagalit!" Parang biglang namanhid ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Leche tong lalaki na to!

"Seryoso ka bang may trabaho kang i-offer sa'kin?"

"Ah oo! Pero pag iisipan ko pa kung anong trabaho ang bagay para sa'yo!" Pinaningkitan ko to ng mata. Lalayasin ko na kaya to? Mukha naman kasing sisirain lang nito ang araw ko eh!

"Alam mo--" Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko ng bigla itong mag wait sign dahil sa biglang tumunog ang cellphone nito.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon