Chapter 16: Half naked

672 42 2
                                    

Shenley

"Anong sinasabi mo ah?" Tanong ko kay Shaider habang hinahampas ko to sa balikat. Gagawa na lang kasi ng kwento yung imposible pa!

"Para namang talo ka pa sa'kin." Natatawang sagot naman ni Shaider habang umiiwas sa mga hampas ko.

"Talaga! Feeling mo kasi ang gwapo mo!"

"Hahaha! Aray ko ah! Nakakarami ka na sa'kin. Alam mo bang sagrado tong katawan ko  tapos hahampasin mo lang!" Natatawang salita nito. Nakaka-bwisit ang lakas mang inis! Si Sheridan naman wala lang kibo sa'min dalawa.

"Bawiin mo yung sinabi mo!" Paulit ulit kong salita rito pero patuloy lang siya sa pag tawa, yung tawang nakaka bwisit? Yung hindi ka makakasabay sa tawa bagkos maiinis ka pa?

Nabigla ako ng kunin ni Shaider ang kamay ko at hinatak ako papalapit sa kanya.

"Hahalikan kita." Bulong nito kaya tinakpan ko ng isang kamay ko ang bibig ko.

"Pag sinabi mo yung totoo, humanda ka na sa halik ko." Pag babanta ni Shaider saka tumayo at lumayo sa lamesa namin. Wala akong nagawa kung hindi tignan lang ito palayo.

"Hanggang bukas lang naman kayo kaya pumayag ka na. Iinisin kasi si Kuya na torpe, bading at kung ano-ano pa kung malalaman nilang wala pa siyang girlfriend." Salita ni Sheridan na seryoso ang itsura.

Ano ba naman tong magkapatid na to? Adik ba sila? Kung anong pumasok sa isip nila gagawin nila at walang makakapigil dun. Simula bata pa lang ako ngayon pa lang ako mag sisinungling sa matanda kaya nakaka-konsensya mukha pa naman mabait si Manang Elsa.

"Tara sa loob para makapag pahinga ka." Aya ni Sheridan. Sumunod ako rito papasok sa loob ng bahay na tutuluyan namin.

Nabanggit kanina ni Shaider na rest house nila to, pero para akong nasa loob ng hotel, may malaking chandelier sa gitna ng bahay, makintab na makintab ang sahig na para bang inubos ang isang kahon ng floorwax, mayroon malalaking larawan sa dingding at mayroong piano na puno rin ng larawan.

"Tara Shen, papakita ko sa'yo yung picture namin ni kuya." Aya ni Sheridan kaya sumunod ako rito.

"5 years old diyan si kuya." Salita ni Sheridan ng damputin ko ang isang picture frame. Para siyang anak ng kano, yun bang hindi nadudumihan ng bata pa siya.

"Doon ka na lang matulog sa kwarto ni Kuya para malaki yung kama, sa kwarto ko si Kuya at ako naman sa kwarto nila Mommy."

Pag aalok ni Sheridan pag tapos kong tignan ang isang photo album.
Nakita ko dun ang walong batang lalaki na mga naka-costume na sa tingin ko ay birthday ni Shaider.

"Gusto mo bang magpahinga muna?" Tanong ni Sheridan, tumango ako rito habang dala ang isang photo album na kasing kapal ng libro.

"Pwede ko ba tong tignan?" Paalam ko kay Sheridan, tumango lamang ito saka kami sabay na tumungo sa kwartong tutuluyan ko.

Pag pasok ko ng kwarto bumungad sa'kin ang itim at puting tema ng kwarto. Puti ang pintura ng dingding, itim ang tiles pati ang border ng dingding. Para akong nasa loob ng chess board dahil sa kwartong pinasok ko. Pag lapag ko ng bag ko ay tumungo na ako ng sofa para tignan ang photo album na dinala ko.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon