Chapter 10: My Angel

744 43 1
                                    

Shenley

Binigay ko ang cellphone ni Shaider pag tapos kong tawagan si Manager Yuan. Nagpaalam ako na mayroon emergency at kailangan kong umuwi agad ng bahay. Hanggang ngayon naninginig pa rin ang katawan ko sa takot ng makita ko ang lalaking duguan at may tama ng baril sa mismong tiyan nito.

"Ano kayang nangyari sa lalaki kanina?" Tanong ko kay Shaider na ngayon ay kinakalikot na ang cellphone nito.

"Baka hinold up." Sagot nito na hindi naka-tuon ang tingin sa'kin. Saka ko lang naalala na anong oras na ay naririto pa rin to.

"Boss wala ka bang balak umuwi?" Inangat nito ang tingin niya sa'kin tumingin sa wrist watch niya.

"Alas otso na pala." Tumayo ito saka kinuha ang coat niya na naka-lagay sa upuan.

"Sunduin kita bukas?" Nagulat ako sa sinabi nito.

"Nagulat ka ba na ang pogi ng susundo sa'yo? Huwag kang mag-taka kung bakit empleyado kita." Salita nito, saka ko lang naalala na ako nga pala ang "secretary" nito.

Hinatid ko ito palabas ng iskinita kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Mahirap na kasing pabayaan si Shaider na mag-lakad mag-isa halatang-halata kasi sa tao na to na mayaman siya at yun ang trip na trip ng mga snatcher at holdaper sa lugar namin.

"See you tomorrow Miss secretary?" Tumango-tango lang ako rito at hinintay na makaalis ang sasakyan niya pero nagulat ako ng umabante ito pabalik sa pwesto ko at ibinaba ang salamin ng bintana ng kotse niya.

"You look beautiful in white dress." Hindi na ako nakapag-salita pa dahil sa pinaandar na agad ni Shaider ang sasakyan niya.

Para akong napako sa kinakatayuan ko at tinignan ang sarili ko na suot pa din ang damit na ipinahiram sa'kin ni miss Catherine.

Natauhan lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa text message. Diniinan ko pa ang screen nito para umilaw at mabasa ko ng tuluyan ang text matanda pa kasi tong cellphone ko sa lola ko eh.

Text Message from Mr.Pogi

I'll pick you up at 8 be prepared at 7. -Shaider T.

Paano nakuha ng pangit kong boss ang number ko? Ni hindi ko nga matandaan na hiningi niya o hinawakan man lang cellphone ko para makuha ang number ko.

Habang naglalakad ako pabalik ng bahay ay tina-type ko na ang ire-reply ko kay Shaider.

GGSS Boss? Ingat po sa biyahe.

Natatawa akong pumasok ng bahay saka dumeretso ng kusina para kumain. Pero pag bukas ko ng rice cooker tutong na kanin ang bumungad sa'kin. Ganito ba ko ka-busy at hindi ko man lang naalala na wala akong kakainin ngayong gabi.

Hindi ko na lang ininda ang gutom ko dahil napapagod din ako. Madami masyadong nangyari ngayong araw kulang na kulang ang bente kwatro oras para sa'kin. Minabuti ko na lang na magpalit ng damit at nag hilamos para makapag pahinga na dahil yun ang kailangan ko ngayong araw.

Text message from Mr.Pogi:
Gwapong-Gwapo Si Shaider! Yan ba ang meaning ng GGSS?

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon