Chapter 29: Priorities

519 32 1
                                    

Shaider

Hindi ako mapakali dahil 30 minutos ng late si Shenley, lahat kami ay nasa airport na maliban sa kanya. Sabi ko na nga ba at susunduin ko na lang siya pero mapilit ang pangit na yun at sinabing mag taxi na lang siya.

Matigas talaga ang bungo ng babae na yun, kung alam ko lang ma late siya alas 7 pa lang pinuntahan ko na siya.

"It's okay baka parating na." Salita ni Gretch saka ako tinapik sa braso. Hay naku naman, ayaw kong isipin nila na kunyari lang akong may date. Sa Lyrical Assault, alam naman nila na ako lang ang pinaka-gwapo.kaya lagot sa'kin tong Shenley na pag hindi niya ako sinipot.

"Wala pa?" Tanong ni Madam habang inaabot nito sa'min isa-isa ang mga ticket namin pa Bohol.

"Sunduin mo na kasi." Salita ni Paulo. Hindi ko ito pinansin sa halip ay kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Shenley.

Makalipas ang apat ba ring sa wakas ay sumagot na ito.

Shenley: Hello?

Me: Asan ka na ba? Lagot ka sa'kin.

Halos mabato ko ang cellphone ko dahil biglang hindi ito sumagot saka nag-end ang tawag.

Tinignan ko si Bossing na kampante lang ang itsura saka ako tinanguan kaya naman nag paalam na ako sa mga ito na susunduin ko na si Shenley.

Yari talaga sa'kin yung babae na yun.

Pagkadating ko sa bahay nila Shen ay parang walang tao, halos ang tahimik din ng basketball court dahil nga tanghaling tapat.

Kinatok ko ang pinto nila Shen at halos mawasak na yun dahil sa lakas ng katok ko. Sinubukan kong sumilip sa bintana at halos wala akong makita dahil nakababa ang kurtina.

Medyo kinakabahan na ako dahil baka may nangyaring masama sa babae na yun kaya naman kinuha ko ang wallet ko saka kumuha ng ATM card para buksan ang pinto.

"Huy ano yan!" Nagulat ako sa lalaking sumita sa'kin kaya naman inalis ko ang sumbrero ko at humarap dito.

"Boss ikaw pala." Salita nung lalaki pero hindi ko siya kilala. Lumapit ito sa'kin saka may kinuha sa tenga niya at pinaalis ako sa pwesto ko sa pinto.

"Ano pong gagawin niyo?" Tanong ko rito. Hindi ito kumibo at sa isang iglap bukas na ang pinto ng bahay ni Shen.

"Salamat po." Salita ko rito. Hindi talaga safe sa lugar na to. Parang ano mang oras mapapahamak si Shen dahil sa mga tao rito. Kahit ba kakilala niya pa ang mga ito.

Agad kong binuksan ang kwarto ni Shen at nakita ko itong nakahiga at balot na balot ng kumot.

Bwisit talaga, anong oras na natutog pa rin.

Niyugyog ko bahagya si Shen pero hindi gumigising. Palakas ng palakas ang yugyog ko rito pero wala pa rin itong response, ganito ba siya ka mantika matulog? Eh kung masamang tao ako, may ginawa na ako sakanya ng walang kahirap hirap, e kaso gwapo lang ako.

Pinulsuhan ko si Shen pero madali akong napabitaw dahil sa init ng katawan nito. Dali-dali kong dinampi ang kamay ko sa noo nito at hindi nga ako nag kaka-mali ang taas ng lagnat niya. Bakit ba hindi ko rin napansin na ang pula ni Shen.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon