Chapter 25: Talking about Shaider's Feeling.

694 34 4
                                    

Shaider

Sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan pagtapos kong inumin ang alak na nasa baso ko.

Kaunti pa lang ang nababawas sa bote ng blue label ng dumating si Patrick at Kurt sa Assaults.

"G!" Bati ng dalawa sa'kin saka na-upo sa couch na nasa harapan ko.

"Asan yung iba?" Tanong ko rito. Inaya ko kasi sila mag boys night out, dahil friday naman ngayon at wala silang mga pasok bukas.

"Baka parating na." Hindi siguradong sagot ni Patrick.

Inabutan ko ito ng baso saka nilagyan ng yelo at alak. Nagkatinginan pa ang dalawa dahil sa ginawa ko.

"Senti?" Tanong ni Kurt saka nag-aya ng toast.

"Sa gwapo kong to?" Sagot ko rito saka ininom ulit ang alak na nasa baso.

"Gago! Hindi ka mag-aayaya uminom kung wala kang iniisip." Sagot ni Patrick. Masama bang ayain ang mga pangit? Buti nga inaya ko pa sila ng mapansin naman sila dahil sa presence ko.

"Pinapalasap ko lang yung yaman ko sa inyo." Baka kasi wala silang pang biling alak dahil sa mabait naman silang kaibigan, ano ba naman yung ilibre ko sila.

"Gago baka nakakalimutan mo sa'kin ka bumibili ng alak na binebenta mo rito. Sino mas mayaman sa'ting dalawa?" Sagot ni Kurt ng very polite.

"Nagtalo pa kayo eh mas gwapo naman ako sa inyo." Sabay kaming napa-buga ni Kurt ng alak dahil sa sinabi ni Patrick. Ang kapal ng mukha, masyadong self proclaim torpe naman!

"Tama na nga yan! Ano ba problema Shaider?" Tanong ni Kurt.

Wala naman talaga kong problema.
Ewan ko ba kung bakit nag iba yung pakiramdam ko. Samantalang kanina nung magkasama kami ni Shen parang ang ligaya ko.

"Wala tanga." Sagot ko rito saka muling uminom ng alak.

"Kamusta pala si Shen?" Nabaling ang tingin ko kay Patrick ng mag tanong ito.

"Pumasok na sa pangalawa niyang trabaho."

"You mean dalawa trabaho niya?" Tanong ni Kurt.

"G, part time lang dito si Shen, sa gabi kumakanta siya, vocalist ata siya ng banda." Sagot naman ni Patrick.

"Nako pag nalaman yan ni Cathleen pupuntahan nun si Shen. Ano nga pala status niyo?" Tanong ni Kurt.

Sasagot pa lang sana ko ng biglang nag salita si Patrick.

"Tangina G, torpe nga eh." Sagot ni Patrick kaya natawa si Kurt.

"Di nga? Totoo G? Tanga ligawan mo na. Baka mamaya may umaaligid na dun sa pinag t-trabahuhan niya."

"Bak--" Sasagot pa lang sana ko ng bigla na naman sumingit si Patrick.

"G, hindi daw niya type. Tangna maniniwala ka? Alam naman natin na yung datingan ni Miss Cruz ang trip nito. Maputing maliit na mahaba ang buhok." Totoo ang sinabi ni Patrick ganun yung mga tipo ko sa babae, pero iba kasi si miss Cruz eh, baka ma child abuse pa ko.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon