Chapter 4: First day.

809 33 2
                                    

                            Shenley

Wala pang alas singko ay nasa resto bar na ako kung saan ang bago kong trabaho.

Napapayag ko rin si Manager Yuan na kung sakaling walang customer ay pwede akong mag-trabaho as waitress para dagdag kita na rin at saka na lang ako kakanta kasama ng bandang laging tumutugtog dito. Na kwento kasi ni Manager Yuan na nilayasan ng lead vocalist ang Boys at the back dahil personal issue kaya nag-hire sila ng bagong vocalist.

Na kwento ko rin sa kanya nung pinasa ko ang mga requirements ko na nasa ospital ang Lola ko at ito ang nagpalaki sa'kin.

"Ma-e ang aga mo yata?" Napalundag ako sa gulat ng biglang sumulpot si Manager Yuan at nag-salita.

Excited kasi akong makita ka eh!

"Para lang po makapag-practice." Pero syempre joke lang yun!

"Wow pinapabilib mo naman ako!" Sus pano pa kung marinig mo yung boses ko? Baka ma-inlove ka na!

"Oo nga Ma-e parinig naman kami ng isang kanta kunyari kami ang customer."

"Let us hear your voice."

Hindi na ako nag-dalawang isip pa na pag bigyan ang mga kasamahan ko sa bago kong trabaho dahil sa maganda nilang pakikisama sa'kin. Hindi tulad sa La Monte may inggitan portion pero alam ko naman na hindi yun mawawala sa trabaho pero dito sa  grabe ang babait nila.

Sinimulan ko ng ayusin ang mic habang si Manager Yuan ang nag ayos ng mga kable para sa gitara.

"Manager Yu, request kang kanta." Salita ko rito ng maka-upo na ako.

"Sige. Tadhana ng Up Darma Down."
Nagpalakpakan silang lahat ng umpisahan ko ng pitikin ang string ng gitara.

Sa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo.

May minsan lang na nadugtong damang-dama na ang ugong nito oh.

Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding-hindi ko ipararanas sa'yo..

Ibinubunyag ka ng iyong mata,sumisigaw ng pag-sinta.

Mas lumakas pa ang palakpakan ng mga kasamahan ko kaya mas lalo akong ginanahan. Lalo ng makita si Manager Yu na nag thumbs up sa'kin.

Ba't hindi pa patulan ang pag-suyo na kulang tayong umaasang hilaga't kanluran.

Ikaw ang hantungan at bilang ang kanlungan mo..

Naririto ako't nakikinig sa'yo.

"Nice Ma-e tingin ko mas papasukin ang resto dahil sa ganda ng boses mo!"

"Sus Manager naman maliit na bagay!" Napa-tawa si Manager Yu sa sinabi ko kaya napatawa na rin ang iba ko pang kasama.

Nang saktong 5:00 na ay nag-ayos na ang iba ko pang kasamahan para sa first shift 5:00 PM hanggang 2:00 AM kasi bukas ang resto bar. Ito kasi ang oras na mas maraming tao sa lugar na to.

"Welcome to Barracks Bar and Resto!" Sabay-sabay namin banggit ng mga kasama ko ng may unang customer na pumasok.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may grupo naman ng kalalakihan ang pumasok. Kaya agad kong nilapitan ang mga ito pero pinigilan ako ni Manager Yuan.

"Hayaan mo na si Jella. Mag-umpisa ka ng kumanta." Salita nito na agad ko naman sinunod.

Pumunta ako ng locker area para mag-palit ng damit at mag-ayos ng sarili.

"Huy ano yang ayos mo?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Marie isa pa sa mga ka-trabaho ko. Hinarangan nito ang pintuan palabas ng resto.

"Balik! balik! Paano tayo papasukin ng tao kung ganyan itsura ng makikita nila sa harapan nila?" Taka kong tinignan si Marie dahil sa sinabi nito.

"Bakit ano ba itsura ko?"

"Maong jeans, white-plain tshirt, chuck tailor? Lalaki ka ba?" Anong masama sa suot ko? Kila Lovely nga wala halos saplot pero pinapasok pa rin ng customer yung bar nila, ito pa kayang suot ko ng napaka-simple? Saka dito ako komportable.

"Ito suot mo tong baon kong dress." Nang i-abot sa'kin ni Marie ang damit niya sa bag ay binulatlat ko to. Hanggang tuhod ang haba nito na floral ang design.

"Hindi ba ko pagkakamalang vase dito?"

"Kesa naman sa mukhang lupa?!"

"Grabe nilalait mo na ba ko niyan?"

"Hoy 19 years old ka palang at hindi 35 para mag-ganyang damit. Saka bagay to sa'yo." Ni-lock ni Marie ang pintuan ng locker room saka tumalikod.

Sinunod ko ang utos nito na mag-palit ng damit dahil hindi naman daw ako presentableng tignan sa itsura ko lalo kung kakanta ako ng love song.

Pag tapos kong mag bihis ay nag lagay ako ng kaunting lip gloss saka nag-spray ng pabango saka tuluyan ng lumabas.

Parang gustong umatras ng mga paa ko ng makita ko ang dami ng tao sa Barracks. Nang tignan ko ang stage ay kumpleto na rin ang bandang tutugtog at ako na lang ang hinihintay nila.

"Ma-e start ka na." Bulong ni Manager Yu ng lumapit ito sa'kin.

Simpleng resto bar lang ang Barracks nakaka-relax ang ambiance dahil sa dim light na naririto.

"Good Evening!" Salita ko sa mic kaya nakuha ko ang atensyon ng ilang customers.

"Welcome po sa Barracks. I'm Ma-e and we are here to serenade you with the band Boys at the Back."

Si Yoej and drummer ng banda ay inumpisahan ng pag-hampasin ang drum stick nito ng tatlong beses hudyat na mag-uumpisa na ang kanta.

She got a body like an hour glass
But I can give it to you all the time

Nilingon ko si Manager Yu na nasa counter area para tignan ang reaksyon nito at napa-ngiti ako ng nakangiti ito sa'kin saka nag-thumbs up.

She got a booty like a Cadillac
But I can send you into overdrive (oh)

(You've been waiting for that...

Step on up swing your bat)
See anybody could be bad to you,
You need a good girl to blow your mind, yeah

Ang sarap talaga sa pakiramdam pag kumakanta. Lahat ng problema mo o nararamdaman mo pwede mong ilabas sa pamamagitan nito.

Kung mataas ang kakantahin mo pwedeng sa galit ibuhos mo lahat ng nararamdaman mo sa pamamagitan ng pag birit. Kung malungkot ka naman, pwede rin lagyan mo ng emosyon ang love song na kakantahin mo.

Kung masaya ka naman, masaya rin ang kakantahin mo.

*~*
t

o be continue..

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon