Chapter 35: Tadhana

449 25 2
                                    

   SHAIDER

Ngayon ang araw na mag-guest sina Shenley at ka-banda nito sa local channel. Hindi naman ako masyadong nanonood ng t.v dahil masyado akong gwapo kaya hindi ko alam kung saan t.v station siya mag-guest.

Gumising ako ng maaga dahil sabi niya ala-una ng tanghali ang alis nila. Pogi na ko pero lalo pa kong nagpa pogi dahil ngayon din ang unang araw na susuyuin ko si Shenley.

Hinanda ko na ang bulaklak na pina-deliver ko pa para sa kanya. Tangina kasi hindi naman ako sanay manligaw dahil mas sanay ako na babae ang nagkakandarapa sa'kin.

Nag search pa ko sa google site kung pano ba manligaw para lang maging maayos yung panunuyo ko sa babaeng yun! Ayaw ko kasi isipin niya na naglalaro lang ako o niloloko ko lang siya.

Matagal ng panahon simula ng nawala si Melanie, at siguro ngayon ang tamang oras para magkaroon naman si Shenley ng chance na mapasa-kanya ko.

Bibigyan ko na rin siya ng pagkakataon para mahalin ang isang tulad ko.

Ang bilis lang ng pangyayari,hindi ko alam kung paano ba nagsimula ang nararamdaman ko sa isang yun. Ang alam ko lang simula ng makita ko siya nung araw na napagkamalan niya kong waiter, hindi na siya mawala sa isip ko.

Siguro inadya talaga ng tadhana na makilala ako ni Shenley, kung hindi sayang ang pagkakataon na yun.

Mabilis man ang pangyayari, sinisigurado ko naman na hindi magsisisi si Shenley na ako ang mamahalin niya.

Saktong nuebe y medya ng dumating ako sa bahay nila at naabutan ko doon ang mga ka-banda niya kasama ang manager nila sa bar na tinutugtugan dati ni Shenley.

"Good afternoon Sir." Bati sa'kin ng isa sa ka-banda ni Shenley na may hawan na gitara.

Tinanguan ko lang ito saka inabot ang kamay ko para makipag-kamay tanda na parehas kaming lalaki, yun nga lang mas lamang ako ng isang buwan na kagwapuhan sa kanya.

"Shaider." Tawag sa'kin ni Shenley ng lumabas ito ng kwarto niya.

Tangina! Bakit ang ganda niya lalo ngayon? Yan ang bulong ko sa sarili ko.

"You look beautiful." Salita ni Yuan na Manager nila Shenley. Napa-tingin ako rito, anong karapatan niyang sabihan si Shenley ng maganda? Walang ibang lalaking magsasabi nun kung hindi ako lang!

"As always." Salita ko rito saka lumapit kay Shenley. Kinuha ko ang kamay ni Shenley para alalayan ito lumabas ng bahay nila.

Ilang kapit-bahay nila Shen ang nag-aabang sa kanila sa labas para batiin ito.

Isang matandang babae ang lumapit kay Shenley. "Galingan mo Ma-e." Salita ng babae kaya naman tumango dito si Shen.

"Tol, ikaw na bahala diyan." Salita naman ni Shen kay Lovely at inabot ang susi ng bahay nila.

"Tara na Shen?" Aya ni Yuan kay Shen at nakita ko ang isang Van na nakaparada sa court kung saan nag aabang ang iba pa nilang kasama.

"Sa'kin sasabay si Shen." Salita ko rito na halatang kinagulat ni Shen kaya naman napatingin ito sa'kin.

"I'll drive you to your location." Salita ko rito kaya naman tumango ito.

"Convoy nalang po kami sa inyo Manager Yuan." Salita ni Shen sa manager niyang panget kaya naman umalis na ito. Buti naman dahil kung hindi niya pa gagawin yun, hindi ako magdadalawang isip na sagasaan siya sa harap ng maraming tao.

Pinag buksan ko si Shenley ng pintuan ng kotse at halata sa mata nito ang saya ng makita ang bulaklak na naka-patong sa shotgun seat.

"Para sa'yo." Salita ko rito. Kinuha naman niya ito at ngumiti sa'kin na halatang kilig na kilig. Masisisi ko ba siya?

"Thank you. Nag abala ka pa." Sabi nito saka sumakay na ng sasakyan.

"Maliit na bagay." Sagot ko rito saka isinara na ang sasakyan.

Madali akong sumakay ng kotse para ipag-drive ang huling taong iniingatan ko.

****
Shenley

Pawis pawis ang kamay ko habang nakikita ko kung paano i-set up ang lugar na pag iinterview-han sa'min. Hanggang sa tinawag na ako sa isa mga floor director.

"Miss, ikaw ba yung bokalista?" Tanong nito.

"Opo."

"Upo ka na dun, ikaw muna unang i-interviewihin. Pag roll ng camera, may mga ilang tanong lang sa'yo si Miss Jessica. Tapos nun mga ka-banda mo naman." Tumango lang ako rito saka na-upo sa pwesto kung saan niya sinabi.

Hinanap ng mata ko si Shaider kung nasaan na ba ito, kailangan ko ng motivation ngayon at alam ko na siya ang makakapag bigay sa'kin nun.

Hanggang sa nakita ko ang presensya nito sa likod ng direktor at naka-ngiti sa'kin.

Huminga muna ako ng malalim saka ngumiti rito. Tinaas ni Shaider ang hinlalaki niya saka nag thumbs up sa'kin. Mas lumawak ang ngiti ko rito dahil hindi niya ako binigo.

Pag dating ni miss Jessica agad na nag roll ang camera.

May ilang bagay siyang tinanong sa'kin na madali kong nasagot pero isang tanong lang nagpagulo sa isip ko.

"so Shenley, bukod sa Lola mo.Sino ang inspirasyon mo para kumanta?" Pakiramdam ko ay tumahimik ang paligid na para bang nag aantay sa sagot ko.

Muli kong binato ang tingin ko kay Shaider, kita ko ang paglingon ng ilang tao sa kanya kaya naman agad akong nag salita.

"Hindi na po ako mag babanggit ng pangalan dahil pribado po siyang tao. Pero alam niya po kung gaano siya kahalaga sa'kin." Dinig ko ang palakpakan ng mga staff and crew dahil sa sinabi ko habang naka-tingin ako kay Shaider.

Ilang minuto pa ng sinabihan kami na oras namin para kumanta.

"Mga kapuso, malugod kong ipinapakilala sa inyo. Boys at the back."

May ilang tao ang nag ayos ng mga gagamitin namin para kumanta. Isang pahid nalang sa panyo ko ay pwede na itong pigain dahil sa sobrang pamamasa ng kamay ko. Ngayon lang naman nangyari sa'kin ito siguro dahil sa sobra talagang mabilis ang mga pangyayari.

"Shai, para sa'yo tong kanta na to. Sana magustuhan mo." Salita ko sa mikropono bago tuluyan kumanta.

Sa tuwina kasi na kinakanta ko ang tadhana si Shaider ang palaging pumapasok sa isip ko.

"Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta

Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayo'y umaasa
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo."

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon