Chapter 11: Brother

718 38 2
                                    

SHAIDER

"G, umamin ka nga, type mo yang secretary mo no?" Hinampas ko ng folder si Patrick ng sinabi yun.

Kalalaking tao napaka-tsismoso akala mo naman kina-gwapo niya!

Tumayo si Shen ng madaanan namin ito sa lamesa niya saka kami pinag-buksan ng pinto.

"Shenley I want you to meet Patrick. Hindi yan masyadong gwapo kaya huwag mo ng kamayan!" Mag-babalak pa kasi tong gagong Patrick na to na kamayan si Shenley kaya inawat ko na to.

"Pft G mas gwapo ako sa'yo!" Sus umasa pa ang gago!

Sinenyasan ko si Shenley na lumabas na yumuko ito sa'min ni Patrick at tumalikod na.

Narinig ko ang pag-sipol ng manyakis kong kaibigan ng tuluyang maka-labas si Shen ng opisina ng Assaults.

"G, hindi bagay sa'yo maging manyak ang pangit mo mapagkakamalan kang rapist gago!" Kung ako siguro ang sisipol ng ganoon baka tilian pa ko ng babae ambisyoso kasi tong si Patrick eh.

Kakamot kamot ng batok si Patrick ng pukpukin ko to ng folder sa ulo ng nag curve pa ito ng sexy body gamit ang kamay niya.

"Tarantado ka susumbong kita kay Gretchen! Saka hands off ka kay Shenley!"

"Alam ko G! Ang kay Juan ay kay Juan ang kay Pedro ay kay Pedro, pero kasi hindi ka man lang ba na gagandahan o na s-sexy-han man lang sa secretary mo? Bading lang kasi ang hindi tatablan dun!" Sa pangatlong pagkakataon hinampas ko ulit ng folder sa ulo tong si Patrick. Tarantadong manyakis!

Pero tama nga siya bakla lang ang hindi tatablan kay Shenley. Pulidong pulido ang katawan eh, bukod sa mistisa na may talent pa. At masasabi kong may utak yung babae na yun kahit minsan ang lakas mang basag. Bukod pa dun mabait pang tao, kinakaya ang dalawang trabaho para sa lola niya saan ka makakakita nun na tatanaw ng utang na loob sa taong nagpalaki sa'yo.

"Ano ba tong pinapalo mo sa'kin? Kanina mo pa hawak to ah!" Tanong ni Patrick. Naalala kong yun nga pala yung curriculum vitae ni Shen. Kanina niya lang binigay kahit na hired na siya.

"Shenley Mae Cruz, 19 years old. Single." Hinatak ko kay Patrick ang folder na binabasa niya para tignan kung seryoso bang 19 lang tong si Shenley.

Bakit hindi ko man lang naisip na ang bata ng babae na yun? Sa tantsa ko kasi nasa 20 plus na siya siguro dahil sa ang laki niyang bulas na babae pero hindi matured ang itsura niya. Sa totoo nga lang mas maganda siya pag naka-ayos, pag naka-pang feminine attire boyish kasi ang isang yun eh mas siga pa maglakad sa'kin.

"Paano G, mamaya na lang? Date is a must!" Salita ni Patrick at nakipag brother hand shake na. Birthday kasi ni Gretchen at dito balak gawin ni Gretch ang birthday niya sa Assault's. Hindi ko naman sila masisisi dahil sa bukod sa ang laki ng place na to binigyan ko pa sila ng discount what are friends are for diba?

"Bye Shen!" Sigaw ni Patrick. Dinig na dinig ko dahil halata naman na sinigaw niya napa-iling na lang ako dahil ang lakas niyang mang-buyo samantalang napaka-torpe naman.

Inikot ko ang swivel chair paharap sa pader at pinikit ang mata ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko si Melanie palagi naman eh. Sa tuwing naiisip ko kung paano niya pinagpalit ang buhay niya para mailigtas ako pakiramdam ko wala ng taong gagawa nun bukod sa'kanya kahit pa sabihin kong nandiyan ang mga kaibigan ko pero iba pa rin dahil hindi ko akalain na yun ang pamamaraan ni Melanie para iparamdam niyang mahal niya ako. Oo siguro pinag tagpo kami pero hindi kami itinadhana at yun ang mas masakit.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon