Chapter 50: Ring

134 7 3
                                    

"Marry me!" Napataas ang kilay ko sa suwestiyon ni Shaider.

"Gago kaba?" Halos lahat ng kaibigan niya ay napa-pft sa sagot ko.

"Wala ng option eh." Salita ni Shaider.

"Tingin mo naman option yan?" Sagot ko rito.

"That's a good idea." Singit naman ni Sir SLY.

"Pero hindi ako magpapakasal sa gagong yan sir." Sa pagkakataon na to lahat na ng kaibigan ay napahagalpak na ng tawa.

"Bakit hindi mo ba ko mahal?" Napatahimik ako sa sinabi ni Shaider at parang uminit ang mukha ko dahil sa tanong niyang yun.

Talaga bang kailangan kong sagutin yun? Wala naman siguro ako ngayon dito kung hindi ko siya mahal?

"Basta ayaw ko ng suggestion mo." Pag iiba ko ng usapan.

"So, hindi mo nga ko mahal?"

"Pwede ba Shaider? Para kang bata!" Sobrang nahihiya ako na sagutin yung tanong niya.

"Ano nga ba't hindi mo ko masagot?"

"Oo nga naman Shen, bakit hindi mo masagot si Shaider?" Tanong ni Patrick.

Lahat naman ng kaibigan niya nakatingin sa'kin parang lahat sila nag aantay ng sagot ko.

"Hindi naman ako pupunta rito diba kung hindi?"

"So mahal mo nga ko?" Tanong muli ni Shaider.

"Oo nga leche!"

Nag hiyawan yung mga kaibigan ni Shaider na lalaki at si Kurt naman ay tinaas pa ang kamay nito. Sila Cathleen naman halatang kilig na kilig. At nang tumama ang tingin ko kay Catherine ay nakatingin ito sa'kin at saka ngumiti. Para naman nag awtomatikong kumurba ang labi ko at ginantihan ito ng ngiti.

"So tayo na ulit?" Tanong ni Shaider.

"Bakit nag hiwalay ba tayo?" Mas lalong lumakas ang hiyawan ng kaibigan niya dahil sa sagot ko. Si Patrick naman ay humahampas pa sa table habang sumisigaw.

Iniiwasan kong mapatawa dahil mukhang kinekengkoy na lang ako ng mga kaibigan niya hanggang sa lumapit na sa'kin si Shaider at inakbayan ako nito.

"Edi papakasalan mo na ko?"

"Huwag mo ng ipilit dahil hindi pa rin ang sagot ko."

"Ouch! Sayang naman ang lahi ko kung hindi mo mapapakinabangan?"

"Manahamik ka!" Nakipag matigasan ng titigan si Shaider sa'kin na para bang sinusukat niya kung hanggang saan ang pag mamatigas ko na hindi siya pakasalan.

Wala pa sa plano ko ang mag asawa! Hindi ko nga alam kung paano aasikasuhin si Lola ng walang tulong nina Manang Nena tapos mag aasawa pa ko? Eh pano nalang pag nagkaanak ako? Papaalagaan ko pa din?

"Ok boss, ibang option tayo." Salita ni Shaider. Hays salamat naman!

"Shen, needed a 5 billion in her bank account 1 town house and a business which also needed a 500 million net worth to enter a mafia world." Paliwanag ni Gretch.

Parang nalaglag ang balikat ko dahil sa halaga ng kailangan ko para makapasok sa Philadelphia.

"Queen, wala na ba tayong option na hindi ginagamitan ng pera?" Tanong ni Shaider kay Catherine.

"Meron." Lahat kami ay napatingin kay Catherine habang nag aantay sa sagot nito.

"Kailangan kang patayin ni Shenley."

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon