Chapter 40: The Proposal

199 5 0
                                    

Shenley

Tatlong araw ang naka-lipas ng lumabas kaming dalawa ni Shaider simula nun hindi na nagparamdam ang lokong yun.

Hindi ko alam kung anong estado namin dalawa. Pero ang alam ko gusto ko si Shaider. Magkaiba man ang agwat ng estado ng buhay namin dalawa, hindi naman siguro hadlang yun para mahalin ko ang isang katulad niya.

Minsan iniisip ko, seryoso ba sa'kin si Shaider? Sa yamang ba niya yun wala man lang siyang girlfriend? Halos lahat ng napapanuod kong teleserye at nababasang libro lahat ng lalaki naka-fix marriage na sa babaeng kasing yaman nila.

Mga kaibigan palang ni Shaider ang nakikilala ko, bukod kay Sheridan at Clark na pamilya niya wala pa siyang napapakilalang magulang sa'kin.

Noon natatakot akong mag-mahal dahil baka magaya ko sa Nanay ko na iniwan lang pag tapos maisahan. Pero ng makilala ko si Shaider, nagbago lahat ng pananaw ko sa pag-ibig.

Nag bago ultimo pananamit ko, pananalita ko, pagkilos ko at lalo na ang pamumuhay ko. Lahat ng yun dahil kay Shaider. Ni isa sa mga kaibigan ni Shaider wala man lang ng mata sa'kin kahit sina Clark at Sheridan hindi ako sinino. Kahit si Shaider wala siyang pakielam na kung noon puro alikabok ang inaapakan niya.

Kaya ba kong mahalin ng isang Shaider Gyle Toretto? Yung walang pag aalinlangan, walang kahit na anong sagot sa tanong kung bakit ako. Walang what if's and doubt.

Nabalik lang ako sa katinuan ko ng makita ko si Lola na hirap sa paglalakad papunta ng banyo.

"La alalayan ko na po kayo." Si Shaider din ang dahilan kung bakit gumaling ang lola ko. Siya lahat ang dahilan kung bakit ako masaya. Siya ang source ng happiness ko.

Pag tapos mag banyo ni Lola muli akong naupo sa sofa at kinuha ang cellphone ko. Sakto naman na meron ng message ang gagong Shaider.

Dito lang ako naiinis dito, pag meron siyang lakad na pang mayaman gusto niya ko isama pero wala siyang napapala sa'kin dahil lagi kong sagot "AYOKO."

Pero nag ta-type pa lang ako ng isasagot sa kaniya, sumulpot na ang driver nito na may dalang damit at sapatos.

"Mam, pinapa-dala po ni sir Shaider. Kailangan daw po ay naka-ayos na kayo ng alas singko." Pag tingin ko sa orasan alas kwarto na ng hapon. Nang gagagago  ba siya?

Hindi ko alam kung bakit kinuha ko ang damit kay Mang Rodel at saka nag madaling pumunta ng banyo upang maligo.

Halos mapa-nganga ako ng makita ko ang sarili ko na suot ang long red dress na bukas ang likod at mayroon mahabang chain nakalawit rito.

"Ako ba to?" Tanong ko sa sarili ko.

Alam ko hindi ako marunong mag make-up kaya naman konting lipstick lang ang nilagay ko at lipt tint para mamula ng kaunti ang pisngi ko. Hinayaan kong naka-lugay ang buhok ko saka lumabas ng kwarto.

Laking gulat ko ng makita ko si Shaider na naka-pameywang sa pintuan at tumitingin sa relos nito.

"Ang tagal mo." Reklamo nito.

"Sira ka pala eh! Kita mong alas kwatro mo..."

"Ok na!" Pag putol nito sa sasabihin ko.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon