Chapter 21: The Assassin

513 34 2
                                    

SHAIDER

Nang maka-sigurado akong tulog na si Shenley at Sheridan sa kwarto nito ay agad na akong bumalik sa kwarto ko para simulang tawagan si Patrick.

"G!"

[Handa ka na?] Tanong nito sa kabilang linya.

[Oo.] Pag sagot ko sa tanong ni Patrick ay agad na namatay ang ilaw sa kwarto ko hudyat na naka-monitor na si Roman sa kabuuan ng hotel at na-shut down na rin nito ang mga signal.

Tumayo ako mula sa bintana kung saan katapat ang inuupahang kwarto ng isa sa mga balak pumatay sa'kin.

Buti na lang at magaling si Bossing na naka-track kaming lahat sa sariling system nito kaya nalalaman niya kung mayroon panganib na naka-sunod sa'min.

"The man wearing a blue toxido is their Assassin, G. And he also the one who's assign to kill you." Salita ni Bossing sa reciever.

Saktong pag silip ko sa scope ng riffle ay agad nahagip ng mata ko ang lalaking naka blue toxido na nag aayos pa lang ng riffle nito kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa na kalabiton ang gatilyo para pakawalan ang balang sasakto sa ulo nito.

"Good Job G!" Dinig kong salita ni Roman sa reciever.

"Makakahinga ka na ng maluwag." Salita naman ni Patrick. Tangna ako pa ba? Hindi lang naman ako gwapo no.

"Bossing ayos ba?" Tanong ko kay Bossing na hindi man lang nag sasalita.

"Take care of Miss Cruz." Natawa na lang ako sa sinabi ni Bossing. Pati siya nakiki-inis na rin sa'kin pag dating kay Shenley.

Ilang minuto pa ang nakaka-lipas ay nag bukas na ang ilaw ng kwarto ko kaya naman niligpit ko na ang ang riffle na ginamit ko.

Hindi pa man ako nakaka-ayos ng higa ay may kumatok na agad sa kwarto ko na malamang ay si Clark.

Nag second look pa muna ako sa kabuuan ng kwarto bago buksan ang pinto dahil baka may naiwan akong ebidensya.

"Shot?" Tanong nito. Hindi naman ako nag dalawang isip pa na sumama.

Saktong pag dating namin sa counter bar ng hotel na tinuluyan namin ay siya ring dating ng ambulansya na malamang ay susundo sa labi ng lalaking muntik na akong maunahan.

"Beer or Whisky?" Tanong ni Clark.

"One bottle of Platinum." Order ko sa bartender.

Nang maibigay na sa'min ang alak ay nag salin na si Clark sa tag isang baso namin.

"Uuwi na talaga kayo bukas?" Tanong nito.

"Oo. Bakit mamimiss mo k-gwapuhan ko?" Umiling naman ito saka tumungga ng alak. Anong nakaka-iling sa tanong ko eh gwapo naman talaga ko!

"Childish ka pa din pare!" Taka ko itong tinignan saka uminom na rin ng alak.

"Masabi mo pa kaya kay Tito na gwapo ka pag nalaman niyang low class ang girlfriend mo?" Napahinto ako sa pag inom ng alak dahil sa tanong ni Clark.

Fairytale with Mr.Assassin (On-going) #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon