*Marjorie's POV*
Magkahawak kamay kami ni Zeke sa loob ng sasakyan pauwi na ako sa bahay at inihatid niya ako.Ang sweet nga ng loko eh.
Huminto na siya sa gilid ng kalsada sa harap ng bahay.Nauna siyang lumabas at umikot patungo sa kinaroroonan ko at binuksan niya ang pinto.Inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinaggap ko naman.
Para na akong loka na nakangiti.He kissed my hand bago tumingin sa akin ng nakangiti.”Mag-iingat ka!Susunduin kita bukas ah.”ani niya bago ako niyakap.
”Okay,sige na Zeke umuwi ka na,gabina rin.Ikaw dapat mag-ingat!”natatawa kong sabi.
”Dapat kasi lumipat ka na eh.Ang tigas lang ng ulo mo!”I bet nakapout to.
”Ewan ko sayo.Sige na.Papasok na ako.”pero bago ako tuluyang makatalikod hinigit niya ang braso ko at hinalikan ako sa cheeks.Namumula na talaga ako ngayon.
Ngumiti lang ako.”Sige na babye!”nagsimula na akong tumakbo papasok ng bahay nang tinawag niya ako.
”Bakit?”
”I love you!”sigaw niya.
”I love you too.”tumakbo na ako papasok ng bahay.Pumasok agad ako at sumandal sa pinto nang maisara ko na.Kinakabahan ako sobra.Tapos narealize ko bakit ako nakapasok sa bahay kung gayong hindi ko pa sinusian.M-may nakapasok.Oh me ged.
May mumu takot ako sa mumu.Tumayo ako at naglakad patungo sa sala pero alak ang naamoy ko para akong ninja sa sarili kong bahay.Sht bakit amoy alak may magnanakaw kaya?Waah,kuya tulong.
Gusto ko nang umiyak ayaw ko talagasa madilim eh,takot ako.Nanginginig ako habang kinakapa ang switch ng ilaw,ilang beses akong napapalunok.Ang lakas ng kabog ng puso ko at anytime pwede akong mawalan ng malay kung trick to ni Kuya alam niya na hindi ako pwede sa ganun baka mamatay ako nang wala sa oras,ayoko ko nga ng ganun.
Ini-on ko na ang ilaw pero bote lang ng isang alak ang nakita ko.Bigla ay nangunot ang noo ko.Bumuntong hininga ako.
Si Kuya naman siguro ang may dala nito.Pero bakit tatlo?Kasamahan niya sa station.Abat ginawa pang inuman ang inuupahan kong bahay.
Iiling-iling kong niligpit ang kalat.Mamahalin pa naman ang alak nato.
Matapos ko yong mailigpit ay umakyat na ako.Pagod ako ngayon.Buwan na rin pala ang nakalipas simula ng makaengkwentro ko si Lander at nong binaril niya si Zeke though simula nong araw na pumunta siya dito hindi ko na siya nakita pa.
Naging maayos ang buhay ko kahit sa school malinis walang Lander pero may Zeke na pumupuslit.
Pero ang kinaiinisan ko walang ngang Lander na nakakahighblood meron namang Raven na ang sarap gilitan ng leeg,pakialamero.Walang magawa sa buhay.
Dumiretso ako sa kwarto tsaka ini-on ang ilaw.May naamoy ako.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.Ang pabangong yon pero bakit may amoy alak.Ilang beses akong napalunok at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
No!Panaginip lang to.Anong ginagawa niya rito?Pumikit ako ng mariin at tinatagan ang loob para lingunin ang taong may mabangong amoy na may halo ring alak parang buong kwarto ko amoy alak at pabango ng isang lalaki.