Chapter 27

17.8K 401 11
                                    

           

       Nang mapansin kong wala na pala akong hinahawakang bags ay yumuko ako,laglag pala lahat.Pinulot ko ito at dahan-dahang lumapit sa kama pero napahinto rin.

'Hala baka bomba 'to baka threat to nong Lander na hambog na yon,ayko pang mamatay.'Okay nasobrahan ata ang utak ko sa kinain namin kanina.Nge paano naman nadamay ang utak sa pagkain?Utak men.

Wala na,magkabilang part ng utak ko nagbabarahan na.Nakatanga lang ako dito sa kinatatayuan ko.Lalapitan ko ba?Bubuksan?o pupulutin tapos ihahagis sa labas?

Anong mas maganda do'n.Ah,wala itong patutunguhan gusto ko nang matulog nakakapagod kaya.Di rin pala namin nameet ang dad niya dahil may emergency meeting raw so we spent the whole day with each other.Okay napapa-english na ako.Baka bumaha pa ng dugo rito,ayokong maghasik ng lagim no.

Nilagay ko muna sa maliit na table dito sa kwarto ko ang pinamili namin ni Zeke,no mali pinamili pala niya.Wala akong nagastos kahit ice cream man lang.

'Ako ang nagyaya kaya ako dapat ang gumastos.'litanya ng mokong kahit anong pagpupumilit ko sa kanya.Ayaw pa rin.Edi wala akong nagawa.

Naglakad ako pabalik sa kama bago umupo.”Ano na naman 'to?”tanong ko sa sarili ng buksan ko ang paper bag,nakabalot pa ang laman nito.

Sinusuri ko ito at saka niyugyog.Hindi ko naman makuha kung anong laman nito.Ang yaman ng taong naglagay nito dito,si Zeke kaya?imposible naman eh binantaan ko na yon.Si kuya?posible.Nagkibit-balikat na lang ako.Malalaman ko ang mga katanungan ko kung bubuksan ko ito.

Hindi pa ako nangangalahati sa pagbukas ng may nakita akong papel sa loob ng paper bag.

A card?

Pinulot ko ito saka binasa.

I am sorry,
I hope you accept this.

Napataas ako ng kilay.Ano daw?Sino naman nagbigay nito kung sakali?No name kahit initial man lang,nakakasabog nang utak.
Wengya ano thrill-thrillan lang.Nasan ang director?Artista na ba ako?

Uggghhhh.Dali-dali ko itong binuksan ayon din ang kaba sa dibdib ko.Malay mo bomba to edi tigok ako?Marami pa akong pangarap no!

Mas lalong tumaas ang kilay ko nang mabuksan ko na.Bakit ako niregaluhan nito eh meron na ako nito?Ang bait naman doble-doble na ang cellphone ko.

Siguro si kuya ang nagbigay nito pero bakit hindi pa naman sira ang phone ko ah.Bigla akong kinabahan.

Oh my shit,nasan na pala ang cellphone ko?Wala akong dalang bag kanina.Sa shopping bag!

Hinalughog ko ang mga shopping bags,pati sout kong pantalon kinapa ko na.Asan na ba yon?May sentimental value sa akin yon eh.Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.Mahal ko yong phone ko na yon magtatlong-taon pa lang yon eh.

Lagot ako kay kuya nito.Bigla ko na lang naisip na yo-yong p-pumunta si Lander dito may narinig akong nabasag.Saan niya yon ibinato?No,ayokong isipin na wala na yon sa akin.Halos baliktarin ko na ang shopping bags ang mga gamit sa loob ng kwarto ko.Bakit di ko man lang naisip na hindi ko dala ang phone ko kanina?

*kriiiiing*tunog ng cellphone.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog pero hindi yon akin,iba kasi ang ringtone ng cellphone ko.Pinunasan ko ang mga luha kong kanina pa tumutulo bago napagpasyahang tumayo at tiningnan kung bakit tumutunog ang cellphone na laman ng shooping bag kanina.

May tumatawag pala.Tiningnan ko lang ang caller ID.Tinitigan ko lang ito.Paano'y MASTER ang nakaregister.Master?as in master?seryoso?Hindi akin to baka ninakaw nang kung sino at dito nilagay.

Eh me ged,may nakapasok na naman sa bahay ko?Seryoso?Tumahimik bigla marahil pinatay na ng caller.Kinuha ko ito galing sa kahon.

Teka ito yong pinakabagong release na cellphone ah,mamahalin to kaya imposible na talaga.Ito yong bagong release ng isang malaki at pinakasikat ng kompanya hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo,water resistant din ito.How come na magkakaroon ng ganitong gamit ang mga taga rito kung si kuya man imposible rin dahil mas mahal pa to kesa sa sweldo niya.Si Zeke?Wala na akong ibang maisip si Zeke siya siguro.Napabuntong hininga na lang ako kung ganito lang ang mangyayari mahihirapan ako.

Ahhh”napasigaw ako at muntik na maitapon ang cellphone na hawak ko.Bigla na lang tumunog at nakavibrate pa.

Napalunok ako,nagdadalawang isip kasi ako kung sasagutin ko ba.

Sa huli ay napagdesisyuna ko ring sagutin kung may ibang nagmamay-ari nito bakit nasa box pa at may tumatawag na?Isip men.

Uhum.”tumikhim muna ako bago tuluyang sinagot ang tumatawag.

H-hello”panimula ko.

Hello?”umarko na naman ang kilay ko,tumawag tapos hindi ako kakausapin,aba matindi.

Malalim lamang na paghinga ang aking naririnig.Tahimik lang.Inilayo ko ang cellphone sa tainga ko at tiningnan kung nasa kabilang linya pa ba siya.

Hello?Pwede ba magsalita ka naman.Anong bang kailangan mo?Please magsalita ka naman!Sayo ba tong phone?”nakakainis ah,,tatawag tapos hindi ako sasagutin,sarap patayin.Uggh.Umirap na lang ako sa kawalan saka pinatay ang tawag at ibinalik sa loob ng box.Mapagbintangan pa akong magnanakaw nito.

Tumunog ulit yong phone sa loob pero hindi ko  na pinansin,bahala yang may-ari niyan sarap sakalin.

Makahiga na nga at inaantok na ako.Busog na naman ako eh dahil sa panglilibre ni Zeke kanina hehehe.



ΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠ

      Hi,po.Maraming-maraming-maraming-maraming thank you po talaga sa mga,nagbasa,nagbabasa,at nagvotes at nagcomment sa story kong ito.Thank you po talaga.

Kailangan ko po ang opinyon niyo o basta libre naman po ang comment box hehehe,kailangan ko lang ng dagdag inspirasyon para na rin mabawasan ang stress ko.

*Please do votes and comments*

-M

Escaping From The Mafia Boss Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon