Chapter 55
A-ang sakit-sakit.
Para akong tinusok nang kutsilyo sa puso nang paulit-ulit sa sakit na nararamdaman ko.
Ganito pala ang matraydor?
Hahaha,ang sakit tangina.
”Aaahhh!”hindi ko mapigilang sigaw.
Gusto kong magpapadyak sa sakit at magwala hanggang humupa ang sakit na nararamdaman ko.
Gusto ko lang ilabas ang sakit na nararamdaman ko baka kung mapano pa ako at ng baby ko.
Ang sakit lang kasi yong parang sumisikip na ang dibdib ko.
Hindi ako makapagsalita dahil nahihirapan akong huminga.Para nang ilog ang luha ko.
”Paano nila nagawa sa akin to?”
”Ang sakit-sakit.Ba-bakit ghan.....nito,huhuhu.”
’I am not Janna de la Fuentes and you are not Lander Lauchengco.’
’Because I am Brithany Liane Schylus and you are Blaze Lander Schylus,Kuya were twins,kaya alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo.’
Si Janna na tinuring kong tunay na kaibigan ay isa lang palang kasinungalingan.
Si.....si Janna......Hindi siya ang kainigan ko na nakasout ng malaking salamin.
Si....Janna......huhuhuhu....Ang sakit.Gusto kong sumigaw ulit pero natatakot ako na baka may makakita at makarinig sa akin.
At si Lander.....Si Lander na muntik ko nang mahalin.......
Ang sakit,hindi pala totoo,sarili ko,niloloko ko.....kung muntik ko lang siyang mahalin,bakit ako nasasaktan ng ganito?
”Uhhhhmmmmp...!”
Napatigil ako,nakaluhod pa rin ako nang may marinig akong kaluskos sa loob ng isa sa mga kwarto.Itong kwartong kaharap ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko pero nagpatuloy pa rin ito sa pagtulo.
Nasisinok na rin ako dahil sa labis na pag-iyak.
”Ma-may tao b-ba rito?”kinakabahan kong tanong.
”Uhhhhhhhhmmmmmppp.”ganun lang ang sagot na parang wala siyang boses.
Nacurious tuloy ako.Anong meron sa loob?
Itutulak ko na sana ang pinto ang pinto nang may humablot sa kamay ko at itinaas ito.
Parang umalis sa katawan ko ang kaluluwa ko at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa taong humablot sa kamay ko.
”What the heck are you doing here?”asik nito na may mga matang namumula.Bakit pula ang mga mata niya?
”H-ha,ano ka-kasi may narinig kasi akong......pa-para kasing ma-y tao sa loob.”utal-utal kong sagot na parang gusto nang lumabas ng puso ko sa dibdib ko.
Hinablot ko pabalik ang kamay ko dahil hinihigpitan niya ang pagkakahawak.
”May tao o talagang alam mo kung sino ang nasa loob?”
”Ha,a-anong ibig mong sa-sabihin?”naguguluhan kong tanong sa kanya.Paanong malalaman ko kung sino ang nasa loob kung.......
”Kaya ba hindi mo ako kayang mahalin dahil sa lalaking yon?Nasa tabi nga kita pero nasa kanya naman ang puso at isipan mo,ganun ba?HA!”