”Fuck”kasunod ng mga malulutong na pagmura ay ang tunong ng pader na kahoy na tila ba sinusuntok.
Pero heto ako nakayuko habang yakap ang sarili at umiiyak parang hindi alintana ang nangyayari.
Ano nang gagawin ko sa buhay ko kung papatayin niya ako?Gusto ko pang tumulong sa pamilya ko,gusto kong suklian ang mga paghihirap nila sa akin noon pero hindi na ata yon mangyayari mukhang dito na lang ang buhay ko.
”Did I do that?”panandalian akong napatigil ako sa paghagulhol at napatingin sa kanya pero agad ko ring binawi saka yumuko.Rinig na rinig ko ang kanyang malalim na paghinga na tila kanyang hinahabol.Sumabay ang kaba sa dibdib ko.
”Answer my gaddamn question!”nabigla ako sa lakas ng sigaw niya.Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka dahan-dahang tumango.
Nanatili lamang akong nakaupo hanggang narinig ko na lang ang mga yabag na papalayo.Napahinga akong malalim,well I guess it's not my time to leave the world.
Ilang minuto rin siguro akong natulala at nanatiling nakaupo kung hindi lang tumunog ang cellphone ko baka maabutan ako ng oras don.Kanina pa siya umalis at nagpapasalamat ako sa pag-alis niya.
Napagdesisyunan ko nang maligo matapos kong mabasa ang message sa phone ko.Si Zeke pala pinapaalahanan lang ako ng susunduin niya ako mamayang eight.
Gulong-gulo ang utak ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Matapos kong maligo ay nagbihis na ako,puting t-shirt na printed,black na jeans pants at rubber shoes na converse.
Pilit kong isinasantabi ang nangyari kanina at ng mga nagdaang araw.
*krrrrrrrrrrrrrr.*napatigil ako sa pag-aayos ng tumunog ang tiyan.”Hayyst,hindi pa pala ako kumain,ahhh kung siniswerte ka nga naman hindi pa pala ako nakapagsaing.”kausap ko na lang sa sarili ko pero kyng magsasaing pa ako mala-late naman ako sa usapan namin ni Zeke.
”Bahala na!”bumaba na ako matapos kong mag-ayos.Matapos kung masigurado na lock na ang pinto at bintana ay nagsimula na akong maglakad.Hindi pa ako nakakarating sa kalsada ng makita ko si Kuya Eron sa maliit na gate ng bahay.
Nakakunot ang kanyang noo na nakatigin sa akin.”Sino yong lalaki kanina na galing rito?”nanigas ako sa tanong niya,ibig sabihin nakita niya na may pumasok sa bahay kanina?
”H-ha?”lumikot ang aking mata at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.Bigla akong pinagpawisan kahit kakaligo ko lang.”Ang sabi ko sino yong lalaki kanina na galing sa loob ng bahay mo.”pag-uulit niya.Kinakabahan akong napalunok sarili kong laway.
”A-ah yon ba kuya.Ano!Ka-partner ko yon sa project namin sa chemistry.Oo!Baka raw kasi makalimutan ko.”kinakabahan akong napangiti.Akala ko hindi siya maniniwala pero tinignan niya lang ang sout ko tsaka tumingin sa akin.
”Saan ka pupunta?Sabado ngayon ah pero sa ayos mo gagala ka ata.”hayst,ano to?Interview?