Chapter 57
HINDI ko na kaya,hindi ko na kayang dalhin at tanggapin ang mga nangyayari sa buhay ko.
Ang sakit pala mawalan.Mahal ko ang baby ko pero hindi ko siya naipagtanggol sa taong nanakit sa kanya.Hindi ko siya naipagtanggol sa ama niyang walang kasing-sama.
Hindi ganito ang pinangarap ko sa buhay ko at sa magiging pamilya ko pero bakit naging baliktad ang resulta?
Ano bang nagawa kong mali para parusahan ako ng ganito?
Naramdaman ko na naman ang isang mainit na likido na tumulo mula sa mga mata ko at naramdaman kong may humawak ng mahigpit sa kamay ko.
Natatakot ako sa pamilyar na hawak ng taong to.Sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko pero parang boung pagkatao ko ang sakal-sakal niya.
Natatakot na akong muling masaktan muli,ayoko nang magmakaawa dahil una pa lang hindi na dapat ako nagmamakaawa buhay ko to at hindi kanya pero gumagamit siya ng masamang paraan para mapasunod ako.
Pinagbabantaan niyang papatayin ang pamilya ko kapag hindi ko siya sinunod, kapag hindi ko sinunod ang lahat ng gusto niya.
”Forgive me!I'm sorry,i'm so sorry!”hindi madaling magpatawad sa isang malaking kasalanan.
Hindi naman kasi to maliit na bagay na kapag katulad ng crayolang nabali ng kaklase at humingi ito ng paumanhin na patatawarin agad dahil ang crayola kapag nabali na magagamit pa rin pero ang nagawa niya malaki.
Nawala yong baby ko at kahit kelan hindi yon pwedeng palitan.Hindi ito perang papel na kapag bumili ng humigit limang peso ay may sukli pa.
Matatanggap kong mapahamak ang sarili ko kesa sa anghel na nasa sinapupunan ko,noon na ngayon ay nawala na,naglaho na.Yong anghel na hinuhugutan ko nang lakas ng loob ay wala na,iniwan na nila akong mag-isa sa mundong ito.
Susunod ako!Susunod ako sa baby ko.Antayin mo lang ang mama anak,susunod ako.
May naramdaman akong likido na tutumulo sa kamay ko pero hindi ko pinansin.Nakatitig lang ako sa kisame.
Hindi ko matanggap na mawalan ako ng anak!Sobrang sakit,ngayon nararamdaman ko na kung ano ang pakiramdam ng isang ina.
”Arrgh.I fucking hate myself.”biglang lumikot ang aking mga mata.Parang anong oras sasaktan niya ako binawi ko ang kamay na hawak niya.Ayoko nang masaktan pa!
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumayo siya at yumuko atsaka inabot ang mga labi ko pero parang nawalan ako ng hininga ng lumapat ang mga labi niya sa labi ko parangngabalik sa mga alaala ko kung paano ako sinaktan,pinahirapan at kinontrol.
Lumayo ito at tumalikod!
*PAK*
”Punyeta ka!”
Kasabay ng malakas na hagalpak ng suntok na yon ng kung sino man ay ang pamilyar ba boses nitong dumagundong sa apat na sulok ng kwarto.
”Denver,tama na yan.Wala na tayong magagawa!”isang hindi pamilyar na boses babae ang narinig ko pero hindi ako lumingon ni maski gumalaw kasi pakiramdam ko magiging abo ang katawan ko kapag gumalaw ako.
”Huwag kang makialam dito Kristina!”*PAK*
”Punyeta ka!I already warned you na tumigil ka na sa kahibangan mo dahil hindi mo siya makukuha sa dahas o gamit ang kapangyarihan mo pero nagmatigas ka.Now look where your shit head lead you.Pinahamak mo lang siya.Muntik mo na siyang mapatay Lander at baka sa susunod tutuluyan mo na siya.”
Napaiyak ako kung hindi ako nagkakamali ako ang tinutukoy ng taong to.May concern pa pala sa akin.May nag-aalala pa pala sa akin.
”I ashamed having a son like you!”