*Blaze Lander's POV*
SEGUNDO,minuto,oras,araw,linggo,buwan,taon ang lumipas pero heto pa rin ako,lugmok at gulong-gulo.
Wala na akong ibang ginawa kundi ang uminom.Ilang taon din akong nagpakalunod sa alak at hindi ko alam kung kelan ako titigil.
”Boss,may problema po tayo!”
”Wala akong pakialam,umalis kayo dito,mga walang kwenta!”
”P-pero bo-boss?”
Kinasa ko ang baril ko saka pinaputukan sa may ulo ang lalaking nangahas umistorbo sa pag-inom ko.
Ganun ba talaga ako kasama?
Handa akong magbago para sa kanya pero iniwan niya lang ako!
Tang-inang mga luha to oh.Bwisit
Mahal ko siya,mahal na mahal,ginawa ko ang lahat para patunayan yon sa lanya pero pinili noyang tumakas,pinili niyang umalis sa tabi ko.
Siguro sa ngayon masaya na siya,masaya na siyang nakalaya sa akin pero ako,nandito at nagdudusa sa paglisan niya.
Isang sumpa ang pagmamahal,isang beses ko lang nagawang magmahal,isang beses lang bumukas ang puso ko para sa isang babae pero nasaktan lang ako.
Sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit sa ganoong paraan ko siya kinuha kung ba..........kung b-bakit sa ganoong paraan ko pinakita ang pagmamahal ko.Dahil ba yon sa pinangunahan ako ng takot ko o natatakot akong matanggihan?
At ang mas nakakainis ang galing niyang magtago,wala akong ibang maisip na tao na pwedeng tumulong sa kanya na magtago,alam naman nating mahirap lang ang pamilya niya,hindi sa nanglalait ako o ano?
Alam ko ang takbo ng buhay nila kung anong kin@bubuhay nila.
Halos halughugin ko na ang boung Pilipinas mahanap lang siya pero ni bakas wala akong makita.
Posibleng may nangahas tumulong sa kanya at tinulungan siyang makalabas ng bansa,well If she wants to play hide and seek that would be better!She'll just have to wait.
I'll take my revenge as soon as I found you,mark my words.
*Someone's POV*
*baby cries*
”Tahan na baby ah,tahan na.Andito na ang mama,andito na ako,tahan na.”
*baby cries*
Inilapag ko sa kama ang baby ko at pinuntahan naman ang isa sa kanyang crib saka kinarga.
Sinayaw-sayaw ko ito para tumahan na.
Nagkakagulo sa baba,maraming putukan at pagsabog.
Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa mga anak ko.
Inilapag ko na ulit ang baby sa crib nang may narinig akong mga yabag na tumatakbo.
Hindi pa rin sila tumitigil sa pag-iyak dahil sa ingay.
Binalikan ko ang isa kong baby na nasa kama at patuloy na umiiyak.
”Ahh!”
Napasigaw ako at napayakap sa anak ko na umiiyak at walang kamuwang-muwang,natatakot ako na baka dito na matapos ang buhay namin.Nakatakas nga kami sa kanya pero hindi ko rin pala matatakasan ang kamatayan.
May pumasok na mga lalaki sa loob nitong kwarto at tinutukan ako nang baril.
”Ito na ang tamang panahon para mamatay kayo!”
Nanginig ako sa takot dahil sa sinabi niya.Dito na ba talaga?Ang bata pa nang mga baby ko.Hindi pwede!
”P-please,nagmamakaawa ako s-sa inyo,gagawin ko lahat buhayin niyo lang po ka-kami.”sa halip na sagutin ako ay ngumis8 lang ito at ibinaling ang tutok ng baril sa anak ko na nasa crib.Lumuhod ako at mas lalong nagmakaawa pero hindi nila ako pinakinggan.
Tumayo ako at lumapit sa kanila pero pinaputukan ako ng baril noong isang kasama niya.
”Hahaha”malademonyo itong tumawa,napahiga ako sa sahig saka namilipit dahil sa sakit.
”P-please,huwag ang ba-by ko.”blurred ang aking paningin dahil sa luha,umaagos pa rin ang dugo sa kabilang braso ko.
Tinutukan nito ang baby ko na nasa crib.
”Hu-hu-wag!”
Nahihirapan akong huminga at unti-unting pumipikit ang aking mata,napaluha ako dahil wala akong nagawa para iligtas ang mga anak ko.
*bang*
*bang*
Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.