Chapter 47
"A-ARAY,ano ba?Nasasaktan ako!Bitiwan mo ako.Lander,ano ba?Ano bang problema mo?"sigaw ko sa kanya habang kinakaladkad niya ako papasok ng mansyon.
"Problema ko?Ikaw ang problema ko!"sigaw niya pabalik bago ako ibalibag sa malaking sofa sa living room.Nakikita ko pa ang ibang katulong dito na halatang pinag-uusapan na naman kami.Nakakahiya na!
Hindi pa nga fully recover ang pulso ko pero halatang magkakapasa ulit.Hinimas-himas ko ang pulso ko para maibsan ang hapdi at sakit.Tinignan ko siya sa mga mata pero agad din akong napaiwas ng tingin.Tumuwid akong napaupo at parang tutang naligaw.
Ang mga matang yon!Ayoko sa mga matang yon!
"What now!You already realized your fucking peccadillo?"puno ng sarkasmo niyang sigaw sa akin.
Nanatili akong tahimik at inaantay ang susunod niyang gagawin.
"Pinagbigyan kita!Pumayag ako na lumabas ka sa pamamahay na to para hindi ka masakal pero sinira mo lang!"dugtong niya.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko at nag-unahan ng tumulo ang mga luha ko.
"Kahit makalabas ako sa pamamahay nato,Lander.Nasasakal pa rin ako.Sakal-sakal mo ako sa leeg kahit wala ka dito."hindi ko napigilang sumbat sa kanya at tumayo na sa harap niya.
"Ayokong makulong sa pamamahay nato,Lander.Please,pakawalan mo na ako!"humihikbi kong sabi sa kanya.
*PAK*
Parang nag-slow motion ang lahat ng sampalin niya ako.Napaupo ako sa sofa habang hawak ang pisngi na sinampal niya.
"Walang makikialam sa inyo,umalis kayo kung ayaw niyong madamay!"malamig na tukoy niya sa mga katulong na siguro'y pinapanoud kami.
Nanatili lang akong tahimik na umiiyak.
"Bullshit!"frustated niyang sigaw at hinila na naman ako patungo sa hagdan.Alam ko na ang susunod na mangyayari.
Makukulong na naman ako sa kwartong yon at makakalabas lang kung kelan niya gusto.
At sa inaasahan ganun nga ang nangyari!
He locked the door!Naiwan na naman akong mag-isa at umiiyak sa kwartong yon.
Lord,tulungan mo ako at ikaw na ang bahala sa buhay ko!
Mama,papa,mga kuya ko,miss ko na kayo.
Kung hindi lang sana ako mahihirapan sa pagtakas dito matagal na akong nakatakas pero hindi sobrang higpit,yong kahit ilang lingon mo lang may nakabantay na.'Pero wala namang imposible sa taong pursigido,diba?
Pagod na akong umiyak kaya kahit humihikbi ay pumunta akong banyo saka naligo.
Nang matapos ako ay agad akong lumabas nang may maalala ako.
Ano kaya ang laman ng card na binigay ng babaeng yon?
Tumakbo ako patungong kama at agad hinanap ang card sa mga buksa ng jeans ko.
"Andito ka lang pala!"bulalas ko nang makita ko ang card.
"Calling card?"tanong ko sa sarili.
"Fuego Empire!"dugtong ko.
Hindi pamilyar ang mga katagang yon sa akin.
Tumayo ako at nagtingin-tingin sa boung kwarto.Imposible walang telepono dito.
Napadpad ako sa isang table na babasagin at nabuhayan ako nang loob ng may makita akong telepono.
Ba't di ko to naisip?Nahanap na sana ako ngayon kung nakatawag ako sa kanila.