CHAPTER 11Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Zeke pauwi sa bdh(boarding house) nang walang imikan.Naiilang pa rin ako sa kanya simula nang nasa hospital kami.
Hindi ko alam kung totoo ba yon o hindi.Nakatulala lang ako simula nang umalis kami sa hospital.Handa na kaya ako?Pero 16 pa lang ako para pumasok sa isang relasyon.May ipinagtapat kasi siya sa akin kanina.
**FLASHBACK**
”Marj?”napalingon ako sa gawi niya nang tawagin niya ako.”Huh?”
”Ahm,Ugh.A-ano?Sht,bakit ba ako nauutal?”bulong niya na rinig ko naman ginulo pa niya ang buhok niya.Wala na baliw na to.
Kinabahan naman ako sa tinuran niya.Eh,medyo mahangin din naman to minsan eh.Hindi ako sanay sa inaakto niya ngayon parang kakaiba.
”Hahaha ano bang problema Zeke?Hindi ako sanay.”tumawa ako kahit kinakabahan.
Sinalubong niya ang mga mata ko at may napansin akong kakaiba sa muka niya,kaba at takot?Kanino naman siya matatakot.
”Ah ano kasi.*sigh*Hindi ko alam kung paano ito sisimulan pero gusto o baka mahal na kita at hindi ko lang napapansin.Simula pa nong una kitang makita tinamaan na ako.Pero nasa sayo pa rin ang desisyon.”nakatulala lang ako sa mga pinagsasabi niya.Parang ayaw pumasok sa utak ko lahat ng sinasabi niya.
Nang hindi ako makapagsalita ay kusa na siyang umiwas ng tingin.Tumayo na siya bago nagsalita.
”Ako na ang maghahatid sayo bilisan mo na ang pagkain mo diyaan.Pinasasabi pala ni Dad pwede ka munang magleave sa trabaho.Sige hihintayin na lang kita sa labas ng hospital”at tuluyan na siyang lumabas.
***End of flashback***
Hindi pa rin ako makapaniwala.Hahahaha isang Zeke Winston magkakagusto sa akin,ako bay inyong niloloko?Zeke Winston anak ng mayamang negosyante magkakagusto sa isang katulad kong nobody.Mahirap,hindi maganda at yon na yon.
Nabalik ako sa realidad nang may maramdaman akong mainit na kamay na humawak sa kamay ko at bahagya itong pinisil.Napalingon ako kay Zeke na kasalukuyang nakatingin sa akin.
Malungkot siyang napangiti(meron ba non?).”Andito na tayo sa harap ng boarding house mo.Alam kong nabigla ka pero maghihintay ako.Aantayin ko ang sagot mo.”pagkuwan ay binitiwan niya ang kamay ko at nauna siyang lumbas.
Binuksan niya ang pinto nang kotse at inilahad ang kanyang kamay.Tinanggap ko yon at nahihiyang ngumiti.
”Sa-salamat”
Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.Nabigla ako nang hilain niya ako at binigyan ng isang mainit at sincere na yakap.Hindi ako gumanti sa pagkakayakap dahil sa pagkabigla.
Bahagya niya akong itinulak at naramdaman ko na lang ang isang mainit na halik sa noo ko kasabay ng mga salitang ngayon ko lang narinig sa boung buhay ko galing sa ibang tao.
”I love you.Mag-iingat ka,aalis na ako.”niyakap niya uli ako.Oie chansing tol bawal yan.
Para akong napipi sa araw na ito.Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay saka ko lang naisipang pumasok sa loob ng bahay.Ako lang mag-isa sa boung bahay.
Hindi kasi ako nakakatulog ng maayos kapag maingay.So ito bagsak ko buti na lang mura lang ang paupa ng may-ari,umasenso kaya meron bagong bahay.................
Papasok na sana ako nang may maramdaman akong kakaiba.Natigilan ako at nilingon ang paligid pero wala akong nakita.I just shrug my shoulder.Baka mumu waaahhh........pero joke lang yon..........pero takot talaga ako sa mumu..............