Chapter 36
Ang bilis lang talaga lumipas ng araw at dumating na ang nakatakdang araw para sa outing.
Pagmamay-ari ng school ang dalawang bus na ginamit para sa outing at ibig sabihin pagmamay-ari din to ni Lande--------teka bakit nasali yon sa usapan?
Sigh.
Ewan pero pang-ilan ko nang buntong hininga ito.Matamlay pa ako sa lahat ng matamlay ngayon kung ang mga kaklase ko masaya para sa outing ako naman hindi maipinta ang mukha.
Ang dami kong iniisip na halos lahat problema para akong tanga na nakasandal ang ulo sa salamin ng bus at nakatingin lang sa labas.Wala rin naman akong kausap dahil mag-isa lang ako sa pangtatlo na upuan.
Iniisip ko nga na para akong may sakit na iniiwasan.Si Janna naman hindi ko alam kung nasaan na yon.Ilang araw na din yong walang paramdam.
Dahil na rin siguro sa pagod,ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaang lamunin ng antok.
Nagising ako ng maramdaman kong sumasakit ang leeg ko at maingay.Huminto na pala ang bus at pababa na sila.
"Oh em ge,I am so excited for this outing!"
"Yeah,me too!"
"Bilisan niyo girls maraming papa ngayon."
Ilan lang yan sa mga naririnig ko mula sa mga bibig nila buti pa sila excited,excited din naman ako ah,excited ng umuwi.Kung pwede lang talaga na di na ako sasama hindi na talaga ako sumama kaya lang nakasalalay ang grades ko eh,scholar pa naman ako.
Inantay ko lang na makababa silang lahat bago ko napagpasyahang lumabas na rin.
Holy Cow!
Nakanganga akong nakatingin sa bahay na nasa harap ko,bahay ba to o rest house.
Ang ganda super!Ilang milyon kaya ang nagasta para mapagawa to.2 storey,may dalawang pool at magagarang gamit sa loob.Salamin kasi ang bali dingding nito.
Yong mga kaklase ko rin,halos pare-pareho lang kaming mga realsyon pero diba mayaman naman sila dapat sanay na sila sa ganito.
"Ang mga laway i-save muna dahil papasok pa tayo sa loob."napatingin ako kay Sir nang magsalita siya.Excited na ako para sa outing.hehehe.
"Let's go,students and reminder mag-ingat kayo sa bawat kilos niyo huwag magpasobra sa kakulitan,act as you were on your own age,mamahalin ang mga gamit sa loob,mas mahal pa sa buhay niyo.May meeting tayo mamaya kaya maghanda na kayo.You can tour the rest house but be careful."
Grabe naman mahal pa sa buhay namin ang mga gamit sa loob,magkano ba ang mga gamit na yan?I'm sure mas mahal pa buhay ko eh hindi ito nabibili eh.
"Aray!"daing ko nang may nakabangga sa akin agad ko itong nilingon pero narealize ko na hindi ako nabangga kundi binangga.Sa porma pa lang ng babaeng kaharap ko alam kong hindi kaaya-aya ang pag-uugali niya.
Tinaasan niya ako nang kilay.Pinagsalubungan ko naman siya ng kilay ko."What does a poor little bitch like you are doing here?"heto na naamn tayo.Tinalikuran ko na lang siya atsaka pinaikutan ko ng mata bahala nat hindi niya nakita basta nakakainis siya.Nagsimula na akong maglakad.
"I am talking to you so don't turn your back on me.Porke't pinasandal ka lang ni King sa balikat niya nawalan ka na ng manners."napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi niya,ako nawalan ng manners?eh siya.
Hinarap ko nga,gusto pala niya ng harap-harapan eh."Hindi ko alam na alam mo pala ang salitang manners,Miss.Hindi kita kilala at ikaw lang ang unang kumausap sa akin.Meron akong manners kaya ako tumalikod sayo kasi ayaw ko ng gulo eh ikaw na may manners ka?"tsaka ako nagmamadaling makisiksik sa mga kaklase ko baka kalmutin ako non eh,mahirap na.Tsaka anong pinasandal?Pinasandal,nino?Hala ewan ko doon eh mag-isa lang ako doon sa upuan ko kanina.
Nakita ko si Jonas at sakto ring tumingin siya sa gawi ko,ngumiti ako tatawagin ko na sana siya pero lumihis siya ng tingin na pang hindi ako nakita kaya nagkibit balikat na lang ako.Ang weird!
**********************
Marami ng nagtatalunan sa pool pero ako heto,nakalublob lang ang paa sa pool.Ayoko munang lumangoy ngayon.Ang dami ko kasing problema.
Sigh.
Pinagpalit na siguro ako ni Zeke kaya wala na siyang paramdam.Siguro isang lang bet o dare lang ang lahat.Ang sakit lang.Nagbabadya ng tumulo ang luha ko pero pinigilan ko.
"Ah,excuse me Miss Vargas,pinapatawag po kayo ni Sir."
Nagulat ako noong may tumapik sa akin.
"Ha?"
"Pinapatawag ka ni,Sir.Sumunod ka sa akin!"
No choice sumunod na lang ako sa kanya.Dala-dala ko ang bag ko,trip ko lang.Baka may importanteng sasabihin si Sir sa akin.
Umakyat kami ng hagdanan pataas,sobrang gaganda ng mga gmit dito,lahat na lang babasagin.Babasagin ko talaga ito,di joke lang.Matapos umakyat sa hagdan naglakad pa kami sa hallway at tinungo ang dulo nito,may pinto?
"Pumasok ka na!"pagkatapos noon ay umalis na siya magtatanong pa sana ako k@so nahihiya ako eh at mukhang nagmamadali siya.
Kumatok muna ako bago pumasok,wala akong narinig na nagsalita pero pumasok pa rin ako.Pinay eh!
Napakunot ang noo ko ng bulaklak ang bumungad sa akin.Tapos may mga kandila may patay ba?
May rosas pa,so may patay nga?
"Do you like it?"
"Ha?Sino ang patay?"sagot ko pero agad akong nabalik sa huwisyo ng may nagtanong at sinagot ko.Ang boses na yon.
"Nagkamali lang ba ako ng pasok ng kwarto?Bakit ako nandito?Ah,nasaan pala si Sir,pinatawag raw ako eh."para akong makahiya na tumiklop ng masagi ng tao.
"I am the one who he specifies!"
ΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠ
Sorry sa super late update,thank you readers.
Thank you,
Commenters
Voters
Followers
And
Silent readers-M