CHAPTER 8*Terrence*
Kung hindi ko nasalo yong kutsilyong yon maaring patay na yong babaeng yon.Hindi niya ba kilala ang binabangga niya.
Pero buti na lang at nakailag siya may reflexes din pala siya.Nakatulala lang siya.Tumayo na siya at nag-umpisang maglakad papalabas."It's better for you to transfer to other school Ms. staying here is not good for you."litanya ko.Mahihirapan lang siya kapag mananatili siya dito.
Tumingin lang siya sa akin at nagsimulang maglakad palabas.
"What all of you were doing here?"tanong ni Lander na halatang wala sa mood."Let's go out,let's have some fun."pero baka di ito pumayag nabwisit eh."I'll follow.I just need to rest."saka siya tumayo at pumasok sa kwarto niya.
Haysst,bwisit nakakawalang gana naman oh,sino ba kasi yong babae kanina?
*End of POV*
Nasa harap na ako nang restaurant ngayon na pinagtatrabahuan ko.Maganda dito,malawak ang lugar,elegante halatang pangmayaman at masasarap na mamahaling pagkain.
Nakapasok lang naman ako dito dahil sa kapatid ng amo ng kuya ko dati noong nag-aaral pa siya.
Naglalakad na ako ngayon patungo sa locker ko para kunin ang uniform ko at isuot."Hi,Rie,musta ang school marami bang gwapo?"tanong ni Aryan katrabaho ko,waitress din siya katulad ko,medyo maganda na rin sa pandinig ang bago niyang tawag sa akin.
"Marami,sobra pati nga Professors at instructor eh. "sagot ko na nakangiti."Ay,bigyan mo naman ako ng isa."nakapout niyang sabi."Yon nga lang di ko pagmamay-ari."nakangisi kong sagot.Nakangiti akong lumabas ng locker room.
Wala pang masyadong costumers kaya chika muna sa kanila,months na rin mula nang magtrabaho ako dito kaya kilala ko na sila.Kasalukuyan kaming tumatawa nang may pumasok na mga costumers,tumingin kami lahat sa glassdoor at pumasok ang grupo ng mga lalaki.Nagkatinginan kaming lahat
Ngumisi naman sila sa akin."Oh,ano yan?"tumataas pa ang mga kilay nila at halatang may binabalak."Sige na,baka si the one,andyan."parang kinikilig na sabi ni Maria.
"Hahahaha,kilig din."biglang nanlaki ang mga mata ko nang bumaba si bossing sa hagdan mula sa 2nd floor."Hala si boss."pasimple akong lumakad patungo sa mga bagong costumers.Nagsialisan naman sila at kunwaring busy,busy-busyhan kumbaga.
Lumapit ako doon sa mga lalaking kararating lang.
"Hi Sir's ano po ang order niyo?" nakangiti kong tanong sa kanila.Apat lang sila at nagtatawanan.
Tumingin sa akin yong isa habang nakangiti,shit ang gwapo,maiihi ako sa sobrang kilig.Nakangiti siya sa akin at grabe perfect na sana kaya lang sabi nila 'nobody's perfect'.
Hayyst.Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang medyo tumawa siya."Oh,hi."bati pa niya.Napalingon naman yong tatlo pa niyang kasama.
At Oh my gosh.Pwede na akong mamatay dahil nakakita na ako nang gwapo.Oyy,joke lang ha.H'wag seryosohin.
Napalunok ako.Sht,ang gagwapo.Sumipol pa yong isa at alam niyo halatang babaero mukha pa lang.Bumalik ang tingin ko doon sa lalaking bumati sa akin.
"H-hello po."balik bati ko at alam kong namumula na ako.Ba't ba kasi ang gwapo nitong mga costumers na to.Marami na namang gwapo ang kumain dito kaya lang may kasamang date.Gwapo nga kaya lang higad naman ang kasama.
"Hey"nabalik ako sa realidad at mas lalo akong nahiya nang nakatitig napala ako sa kanya at nong tumawa sila."Hahahahaha"
Umiwas ako nang tingin sa kanila."You're blushing.Ngayon ka lang ba nakakita nang gwapo?"gwapo na ang mukha ano pa kaya ang boses.Gusto kong tumalon-talon sa kilig.
Pero napangiwi ako sa huling sinabi niya."Ha?Ayy,sorry ha ang init kasi dito eh.Sobra naka-on naman ang aircon pero ang init parin."ayan nabara na at umaaksyon pa na nagpaypay gamit ang kamay.Hmmp.
"Ano nga pala order niyo mga sir?"tanong ko nang magsasalita sana yong isang kasama niya."We preferred Italian foods.Ikaw na ang bahala basta Italian foods for us."litanya nong isa.Sungit naman dre.Meron ka?
"Okay"tumalikod na ako.I rolled my eyes.Problema nga naman."Gwapo nga sana mayabang naman."bulong ko.Ugggghhhh.