Nanginig ako ng sobra,tinalukbong ko ang aking kumot saka nagsumiksik sa kahoy na headboard ng kama.
Pumikit ako at nagsimula na namang umiyak.Inuusal kong may dumating para tulungan ko,na hindi na niya ako sasaktan.
Kung may makakatulong man sa akin ngayon si Kuya Eron na lang.
Magkapitbahay kami,pinababantayan rin ako sa kanya ni kuya pero estudyante din naman siya.
Narinig ko ang isang malalim na pagbuntong hininga at ang paglangitngit ng upuan.Akala ko aalis na siya pero naramdaman ko na kama ko naman ang lumangitngit,umupo siya sa gilid ng kama at naramdaman ko ang pag-usog niya.
Lalo ko lang niyakap ang sarili ko.”L-look I'm sorry about last night.I-i didn't mean to do it.I j-just bereaved my patient.Damn,why the hell am I stuttering.”narinig ko rin ang pagbulong niya,hindi ko alam kung anong kailangan niya.Pero isa lang ang gusto ko ayoko siyang makita.Ayoko siyang makausap.Ayoko sa kanya.
”Please,just p-please let me explain.”sa lahat ng ginawa niya sa akin parang gusto kong marinig ang side niya kung bakit niya ginawa sa akin yon pero ayokong ipakita sa kanya na may
tiwala ako sa kanya.Ayokong ipakita sa kanya.Huminga ako ng malalim.Naramdaman ko naman na nasa gilid ko siya kaya inipon ang lakas na siyang makakaya ko.
Kaya ko to.Kailangan kong makaalis rito.
*blag*
”Ah,sht,fck.”
Nang marinig ko yong tunog tumayo ako at tumakbo patungo sa pinto.Sinipa ko lang naman siya sa tagiliran niya.
Sunod-sunod rin ang kanyang pagmura.Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Sobrang saya ko ng pababa na ako ng hagdan dahil makakaalis na ako pero nawala ang katiting na pag-asa sa puso ko dahil sa brasong pumulupot sa bewang ko.
”Ahh,bitiwan mo ako!”nagpumiglas ako pero sadyang ang lakas niya biruin mo isang braso lang ang nakapulupot sa akin.Nakita ko sa gilid nang aking mga mata na nakahawak ang isang kamay niya sa gilid nang tiyan.Akala ko hindi siya natablan ang tigas,eh at parang bato.May abs kaya siya,slurp meron yan.....
Bwisit,ano ba tong iniisip ko?Dapat ay humihingi ako ng tulong ngayon.Hindi abs ang iniisip.
Yakap niya ako gamit ang isang braso at bumalik siya sa kwarto,natatakot ako sa maari niyang gawin,buti nalang medyo hindi na kumikirot ang braso ko dahil sa ointment na binigay ni Kuya T yong tumulong sa akin noong nakaraang gabi.
Nagsusumigaw pa rin ako pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko nang may tumatawag sa akin mula sa labas.
”Jo,Jo”rinig kong hinahangos na tawag ni kuya Eron at kinalampag ang pinto.
”I'll let you talk to him but I want you to get rid of him!”nanginginig ako nang bumulong siya sa aking tenga at tila nakikiliti naman ako.
Hindi ako sumagot,patuloy pa rin sa pagkalampag si kuya Eron sa pinto.
”You'll get rid of him or I will kill him.”nagsimula na namang umalpas ang takot sa aking sarili.Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi pero hindi ko siya kilala baka kaya niyang gawin yon dahil sa pagkakaalam ko,mayaman siya at makapangyarihan kaya kahit anong gusto niyang gawin magagawa niya.
Dahan-dahan akong tumango.Dahan-dahan niya ring ibinaba ang kanyang kamay,humugot ako ng hininga at akmang magsasalita na sana ng takpan niya uli ang bibig ko.