Chapter 49
”MAHAL kita,Lander!”nakatungo kong sabi at hindi ako mapakali,ewan kinagat-kagat ko na lang ang loob ng bibig ko.
”I'm sorry but I don't love you anymore!”
Naitulos ako sa kinatayuan ko parang tumigil sa pagtibok ang puso ko,ganito pala kasakit na parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
Tuluyan na ngang bumagsak ang luha ko at tulyang umiyak sa harapan niya.
”B-bakit?D-dahil b-ba sa ma-mataba *sniff* na ako *sniff* hindi mo na ako mahal,ha?H-hayop ka,bubuntis-buntisin mo ako pa-pagkatapos ayaw mo na sa a-akin kesyo ,mataba na ako at pangit,tapos ang laki-laki na nang tiyan ko,ha!Huhuhuhu”hiyaw ko sa harapan ng makapal niyang pagmumukha.Wala na akong pakialam,basted na ako eh.huhuhu.
”Yes!”walang kagatol-gatol niyang sagot kaya umalis na lang akong umiiyak.
Nagising ako mula sa panaginip,ayy hindi bangungot pala.Wengya yong lalaking yon,binasted ako sa panaginip ko.Ang kapal!
Napabangon ako.Only to find out na wala ako sa kwarto ng kumag.
”Waahh,,nasaan ako?huhuhu.Ang naalala ko lang kagabi nasa kitchen counter kami tapos nakatulog ako!”natatarantang kong ani at pilit inaalala ang mga nangyari bakit ako nagising sa kwarto na to.
”Teka,ang lalaking yon,ang apple ko nahulog ng dahil sa kanya,bwisit,titirisin ko yon mamaya na parang kuto.”nanggigil kong saad habang nakakuyom ang noo.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto.
Mas iba na ito,kulay puti ang kama at puti rin ang paligid,may glass walls,antiques,ang lambot-lambot ng kama.Syete.
Tumayo ako at naglibot-libot sa loob ng kwarto.
”Ang ganda naman nitong vase,mahal siguro to.”kausap ko sa sarili.
Doble ang laki nitong kwarto kaysa noong dati niyang kwarto.Parang bahay na namin to sa probinsya ah.
Ang tanong kanino pala tong bahay?
May nakita akong pinto.Curiosity kills the cat ika nga nila binuksan ko.
”Hihihi,nakabukas!”pilya kong tawa nang bukas ang knob pagpihit ko.
Madilim pagbukas ko kaya hinanap ko ang switch ng ilaw.
”Wow,ang ganda.”bulalas ko na may kislap sa mga mata.Para itong mini office,may babasagin na table at parang batong kumikislap ang paligid.Ang yaman naman ng may-ari.
Matapos kong maglibot naisipan kong lumabas para sana malaman kung sino ang nagdala sa akin dito.
Side by side door pa rin pero mas malaki at mataas ito kaysa noong dati.
*bukas*
*labas*
”Patay saan ako lalabas?”kinakabahan kong tanong sa sarili.Eh malawak at malaking hallway.Kumikislap ang mga matang tumingin ako sa chandelier na nasa itaas.
”Ang ganda!”
”Saan ba ako dadaan?Sa kaliwa o sa kanan?Ah sa kana-kaliwa,kaliwa ako dadaan.”
*krruu*kruuu*kruuu*
Gutom nanaman ako!
Nagsimula na akong maglakad at ang kaliwang daan ang aking tinatahak.
RAVEN
”May bago kayong misyon.”
”Maganda yan,eh yong misyon namin sa Europe,walang ka-kwenta-kwenta.Ang dali lang matalo ng mga kalaban doon,boss.Hindi nga nagasgasan ang gwapo kong mukha.”puno ng confident kong sabi,okay na siguro magbiro ngayon mukhang good mood si bossing eh.