Chapter 53

13.4K 304 27
                                    

Chapter 53

{Author's note:}

{Chapter 52 is 1,594 words,grabe na ang timpi ko sa chapter na yan,pasensya na sa typos.Sumabog utak ko.Waaah saan na pupunta ang storya,wengya naman dude!hoooh.I hope you enjoy the last chapter,next chapter and the whole story!Hihihi.... }

  ANNA

Confirm nga pero bakit sila magkasama?

Naguguluhan ako!

Mabuti na lang at medyo malapit ang pinagtataguan ko sa kanila kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

”Patawarin mo ako Zeke,hindi ko intensyong saktan ka.Hindi ko naman kasi alam na ganito ang mangyayari!Sana hindi na lang ako pumasok sa buhay mo!”napakunot-noo ako,ba't humihingi siya nang tawad at ba't siya umiiyak?

”Masakit........pero tatanggapin ko ang desisyon mo.Ano bang maari kong maitulong sayo?”

Shit!Ano bang pinag-usapan nila?Mukhang nahuli ako sa magandang isyu ah?

”Hi-hindi ko gustong madamay ka sa gulo ko,sa gulo nang buhay ko.Hahanap ako ng paraan para makatakas at makalayo kami sa kanya,ayokong mas lalong mapahamak kami sa kamay niya.Sa nalaman ko parang ilang ulit akong sinaksak patalikod.”bwisit,nakakalito!

”Hindi tutulungan kita,parte ka na ng buhay ko,ayokong mapahamak kayo,tutulungan kita sabihin mo lang.Tutulungan kitang makatakas sa pagkakagapos sa kanya.”

”Per-per.........awwwbbbbb!”
Sumilip ako nang marinig ko yon pero agad ding nagtago ng biglang siyang tumayo at nagmamadaling tumakbo patungo sa gawi ko.

”Sa-sandali,okay ka lang?”

Tumalikod ako para hindi niya ako mamukhaan.

”Awwb!”hawak-hawak niya ang bibig niya na tila parang masusuka.

Dahil sa kyuryusidad ay sinundan ko siya,posible kayang?

Nagmistula na akong stalker nito,haist.

I entered the restroom,nagpanggap akong magsasalamin ng may mga babaeng nagre-retouch.

Nasaan siya?

Ilang minuto rin siguro akong nakaharap sa salamin at umalis na rin yong mga babae.

Nakarinig ako ng iyak mula sa isa sa mga cubicle.

Pinakinggan ko lang ito at ilang minuto lang ay lumabas din ito pero parang hindi ako napansin.

Dumiretso siya sa harap ng salamin at nagmumog.

Pero nanatiling umiiyak.

Bigla akong napaatras nang matutukan ko ang katawan niya.

Posible kayang tama ang iniisip ko?

******

Matapos kong magsuka at umiyak ay lumabas na ako nang cubicle.

Pumunta ako sa harap ng salamin at doon nagmumog.

Pero lecheng luha tumutulo na naman.

Masyado na akong napapagod sa lahat ng nangyayari.Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Muntik na muntik na akong bumigay sa halimaw na yon.

Marahas kong pinunasan ang luha ko.Magpapakatatag ako para sa kapakanan ko at nang anak ko.

Escaping From The Mafia Boss Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon