CHAPTER 4Sa ikalawang subject hiwalay na kami ni Janna.Nakakabagot nga eh.Wala akong makausap.'Yong Prof namin kanina may kailangan daw siyang ayusin sa Office ng Dean,may problema daw.Ayun,ang ginawa namin kanina,eh natulog lang.Ang Prof. ko naman ngayon nagsimula ng magdiscuss.Boring.
Natapos na rin siya sa wakas."Class dismissed."saka umalis napangiti ako break na kaya cafeteria time,hehehehe.Nasa loob na ako ng cafeteria tapos na ako umorder at kasalukuyang kumakain ng burger,uhm shalap nito.Napatigil ako sa pagnguya ng may grupo ng mga babae ang lumapit sa akin.Parang classmate ko to sa chemistry subject ah."Hoy,ang kapal naman ng mukha mong tumabi kay King.Mahirap ka lang tapos ang kapal kapal mo na,yuck."sabi ng isang babae.Tiningala ko sila nakaupo ako at nakatayo kasi sila."Anong ibig niyong sabihin?"nagtatakang tanong ko."At sinong King?"
"Wag ka na ngang magmaang-maangan,ang pangit mo pero ang landi landi mo."leader siguro nila to."Oo nga,imagine she is so panget and she have the guts to tabi to our King."maarteng sabi nong isa.Binaba ko ang hawak kong burger at nilagay ang kamay ko sa desk bago ko sila tiningnan."Well,sorry ah.Bago lang ako dito at wala akong kilalang King.Kung tinutukoy niyo yong lalaking sumigaw kanina hindi kami magkatabi ang layo lang niya sa inuupuan ko.Kung gusto niyo magpalit tayo ng upuan okay lang.Walang problema."naiinis kong sabi tsaka dinampot ang burger ko at tumayo syempre dala ang bag ko.
"Aba,sumusobra ka na,ah.Anong karapatan mong sagut-sagutin ako.Hindi mo ba ako kilala?"nangagalaiti niyang tanong.Nilingon ko siya bago sinagot."Hindi"kampante kong sabi at lumakad rinig kong tinawag niya ako pero napansin siguro niya na may nagkukumpulan na naman at nagsisigawan kaya pumunta sila doon.Bwisit kang babae ka.Nakakawala ng pasensya.
Tinakpan ko ang tenga ko sa lakas ng mga sigaw nila at nagtatakbo may mga estudyante pa nga akong nakakasalubong."Talaga nandito sila?Grabe nakakalaglag panty pa namn ang mga yon."babae."Ano?Am I still pretty?"tanong naman ng isa.Napailing-iling ako at tumakbo patungong elevator at pinindot ang number ng last floor.Gusto kong magphangin at gusto kong mapag-isa.
Tumatakbo ako patungong rooftop ng makalabas ako ng elevator.Hinihingal pa nga ako at may pawis na rin ang mukha ko.Binuksan ko ang pinto at tiningnan kong may tao ba.Wala naman,dumiretso ako sa railings at nilanghap ang preskong hangin.Lumingon ako sa likuran ko nang may mahagilap akong kulay itim."Huh?Bakit may sofa bed dito?"tanong ko sa kawalan.Pero ipinagsawalang bahala ko lang ito at humarap ulit.Ang ganda ng view rito.Pumikit ako dinadama ko ang hangin at bawat paglipad-lipad ng buhok ko.
"What the fuck are you doing here?"halatang galit na sigaw ng isang boses lalaki.Napamulat ako at nilingon yong sumigaw.Nasa bungad siya ng pinto.Napatigil ako, nakasandal lang siya sa pinto habang nakalagay ang kamay niya sa mga bulsa niya.Naka sunglasses din siya.Oie, Kuya,where is the sun?
"Who the hell are you and What the fuck are you doing here?"nakakatakot ang boses niya parang wala siyang kaligayahan."Ah,uhm nagpapahangin lang."sagot ko.Nang nakatingin sa kanya ewan hindi ako natakot sa kanya."Sige aalis na ako."at lumapit sa pinto para lumabas at para pumunta na sa klase ko.Pero bago pa ako makalabas hinarang niya yong paa niya."Get me some food I'm hungry."utos niya kaya naiinos akong lumingon sa kanya.Anong akala mo sa akin utusan?"Huh?"baka nabingi lang ako at mali ang dinig ko sa sinabi niya.
"Fuck,I said get me some fucking foods."singhal niya at humarap sa akin halatang nanlilisik ang mata niya."Neknek mo."at inalis ang paa niya nakaharap.Kompleto siya ng kamay at paa pero hindi marunong kumuha ng sariling pagkain niya.Mahiya naman siya.Bago makatapak ang isang paa ko sa hagdan ay tumbingi ang mukha ko.*PAK*.Huli na nang marealize ko sinampal pala niya ako sa sobrang lakas ng sampal niya halos namanhid ang pisngi ko.
Uminit ang mga mata ko at nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko.Nilingon ko siya,nakakunot ang noo niya habang nakalukot ang mga kamay niya halatang nagpipigil ng galit.Nawala ako sa sarili ko at bigla ko siyang sinampal."Putang*na mo sino ka para sampalin ako.Walang hiya ka,bwisit ka."sigaw ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha ko.Tumakbo ako pababa sa hagdan alam kong namumula ang pisngi ko dahil namamanhid sa lakas ng sampal niya at umiinit din ito.
Humahagulhol ako pababa.Nag iinit din ang kamay ko sa lakas ng sampal ko pero hindi man lang siya tumabingi.Ang sarap niyang sipain.Ni magulang ko kaya hindi ako nasampal siya pa kaya.huhuhuh.