Chapter 17

21.2K 612 53
                                    


"Zekeeeeeeeeeeeeeeeeeee!"napabalikwas ako nang napanaginipan ko siya na p-pinatay ni Lander.Habol ko ang aking hininga,"Zeke,Zeke"para akong baliw na sinasambit ang pangalan ni Zeke nang maalala ko ang lahat-lahat.

"Zeke"

"Eat your foods!"isang maawtoridad na boses ang aking narinig.Sobra ang takot na nararamdaman ko ng makilala ko ang may-ari ng boses.Agad akong napalingon sa gilid ko.

Mataman lang siyang nakatitig sa akin habang nakaupo sa isang upuan at nakadekwatro.Napapaatras ako habang nakaupo,sumiksik ako sa headboard ng kama at niyakap ang tuhod ko sabay hila ng kumot para ipantakip sa sarili ko dahil napansing kong nakauniform pa ako.

"A-ano ba ta-talagang kailan.....gan mo sa akin.Wa-wala ka namang mama-kukuha sa akin eh."nauutal kong sabi sa kanya.Tumulo na ang luha ko.

Si Zeke,nag-aalala ako kay Zeke.Nasa bahay pala kami pero paano siya nakapasok?Paano niya nalaman ang tinitirhan ko?

"A-atsaka pa-pano mo na-nalaman n-na dito ak-o na-na-nakatira?"nauutal kong tanong kasabay ng paghagulhol.

"Na-nakakatakot ka alam mo ba yon?"hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob.Mariin akong pumikit.

"Walang hiya kang hayop ka,mamamatay tao ka.Wala kang puso pati mga taong walang kasalanan sayo dinadamay mo dahil makasarili ka.Bakit?Dahil lang ba sampal ko at pagluhod sa harap mo patawarin mo lang.Kasalanan ba yon?Ngayon tinatanong kita alin ang kasalanan doon at ginawa mong barilin si Zeke.Wala kaming ginawang masama sayo hayop ka. "

Dahil sa galit kaya nakakuha ako ng lakas na sabihin yon sa mahinahong paraan.Hindi ako tumingin sa kanya nakabaling ang paningin ko sa ibang direksyon.

Kailangan kong puntahan si Zeke.Bakit ganito ang nararamdaman ko?Parang ewan.Parang kinikilabutan ako.

Napansin kong tumayo siya at lumapit sa akin.Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa kama ko,nagsusumiksik naman ako sa headboard ng kama.

"You really don't know me huh.You should discover for yourself who is the powerful man you are bumping with. "kinikilabutan ako sa kanya.Malamig ang boses niya parang kahit anong oras pwede kang mawala.

Kanina ko pa napansin ngayon lang siya nagsalita.

"Wala akong interes makilala ka.Hindi naman din tayo magkikita pa.Trespassing ka rin,Sir.Pumasok ka sa bahay nang may bahay ng walang pahintulot at kung maari hindi po naka-lock ang pinto kaya maari na kayong umalis. "itinuro ko pa ang pinto,wala na akong pakialam sa kanya.Si Zeke kailangan kong puntahan si Zeke.

Escaping From The Mafia Boss Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon