Final Chapter

18.5K 283 20
                                    

Hindi mo pa rin ba ako mapatawad?nilingon ko si Lander dahil sa tanong niya.

”Isa itong sugat na malaki na nasa puso at isipan ko,maghihilom man hindi pa rin mawawala dahil ang piklat ng sakit na nararamdaman ko ay mananatili habang buhay.Hindi madaling magpatawad lalong lalo na kung hindi na maibabalik yong nawala.”

Magdadalawang linggo na ako rito sa hospital gusto ko nang umuwi,gusto ko nang umuwi sa probinsya namin,sa pilingng mga magulang ko.

Gustuhin ko man maraming hahadlang,kailangan ko pa raw sumailalim sa ilang examination,yon ang sabi nang doctor.

”Ano bang kailangan kong gawin?Gagawin ko lahat,mapatawad mo lang ako.”ramdam ko yong paghihirap niya,nangingitim na rin yong paligid ng mga mata niya pero sobrang hirap magpatawad,hindi pa ako handa.Yong puso ko para nang bato sa tigas.

”Wala kang ibang gagawin...........”tumingin siya sa akin habang tumutulo ang mga luha,ibang-iba na siya.nangangayat na rin ang kanyang katawan.Yong buhok niya parang dinaanan ng bagyo.

Pero hindi dapat ako magpadala.

”K-kundi ang lumayo sa akin dahil kapag nakikita kita,naalala ko lang ang mapait na nangyayari sa buhay ko.Yong sakit na nararamdaman ko nang mawala sa akin ang baby ko.Pagbigyan mo na ako,hindi ko na kakayanin pa k-ka.......”

”S-sige,a-aalis muna ako hanggang makapag-isip ka.Masa-sakit at mahirap pero gagawin ko mapatawad mo lang ako!Ma-magpasabi ka lang kung handa mo na akong harapin....ulit.”lumapit siya sa akin at hindi ko maintindihan ang reaksyon ko nung nang dumampi ang labi niya sa noo ko.I j-just felt relieved or something gumaan ang pakiramdam ko.

Ngumiti ito at saka ako niyakap hindi na ako pumalag,nakakapagtaka,ang init kasi ng mga yakap niya,siguro baka ito na din ang huli naming yakap.

”Mag-iingat ka,magpasabi ka lang,okay?”

Tumango ako.

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka dahang-dahang lumuluwag hanggang bitawan na niya,tumalikod na siya at naglakad patungo sa pinto.

Naikuyom ko ang kamay ko.

Dahil pinipigilan ko ang sarili ko na tawagin siya at patawarin!

Kin@gat ko na rin ang labi ko dahil sa luhang unti-unti nang tumutulo. 

Hindi na ako buntis pero napaka-emosyonal ko pa rin,kainis.

****

”Ano handa ka na ba?”

”Hi-hindi ko alam kinakabahan ako eh.Pa-papaano kung mahuli tayo.Ayoko ma-pahamak ka nang sahil sa akin Lewis.”sa halip na matakot ay ngumiti lang ito sa akin.Ano bang iniisip nito?

”Mapahamak man ako o hindi,desisyon na yon ng Diyos.Kailangang makaligtas ka sa pagkakahawak sayo nang lalaking yon dahil kapag nagkataon,hindi na kailanman tatahimik ang buhay mo.”

Malungkot ang mukha niya pagkasabi niya non.

”Lewis.”bulong ko dahil parang napinid ang dila ko at hindi makapagsalita ng tama.

”Huwag kang mag-alala magiging okay ako.Ang importante sa ngayon ay ang makaalis ka nang walang nakakakita sayo.Ang hiling ko lang,huwag ka na sanang makita ni Lander,hangad ko ang kaligtasan mo.”,niyakap ko na lang siya ng mahigpit,nakokonsensya ako,ang bait niya sa akin.Nasa kanya na ang lahat,katalinuhan,kayamanan,kagwapuhan pero nagtataka ako at iniwan pa rin siya ng pinsan ko.

Sana siya.....

”S-sige na,kailangan mo nang umalis,anumang oras darating yong iba niyang tauhan at posibleng may nakainstall na cameras dito,kailangan mong magmadali.”sinasabi niya yon habang inaalalayan niya akong tumayo.

”P-pero paano yong mga bantay sa labas?”kinakabahan kong tanong.

”Hinaluan ko nang pampatulog ang kape nila kaya bilisan mo na diyaan.”

Nakaalalay pa rin siya sa akin patungo sa pinto,ano ba naman to para akong disabled nito ah.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto saka sinilip ang labas.

Nang walang taongnaglalakad maliban sa mga lalaking nakaupo sa upuan at tulog yong iba naman nasa semento nakaupo at tulog din.Ang dami naman nila.

Inihatid niya ako sa may fire exit.

”Diyan ka dumaan,kung maaari huwag mong ipakita ang mukha mo sa mga taong madadaanan mo sa lobby para hindi ka nila mamukhaan at huwag ka ring dumaan sa exit nang hospital may nagbabantay doon,sa likuran ka dumaan.”

”Thank you talaga,Lewis.Salamat,hindi ko alam kung paano kita masusuklian sa mga kabutihan mo sa akin.”napaiyak ako saka dinamba siya nang yakap.

”Hangad ko ang kaligtasan niyo,mgh-iingat ka”

”Pero pa-paano ka?”

”Dito lang ako,maghijintay ako sa pagbabalik mo!Sige na!Huwag lang tumakbo nang mabilis,dahan-dahan lang,huwag kang magpalipas ng gutom,kumain ka nang masu-sustansiya para malusog kayo lagi,okay?”

Naguguluhan man ay umalis na ako at tinahak ang hagdan sa fire exit.

Sana ito na ang katapusan ng mga paghihirap ko.

Escaping From The Mafia Boss Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon