Eighty

151 3 0
                                    



***

Brenda's POV:

Tinitigan ko ang bahay saglit bago lumunok at tumungo. "I shouldn't have come here."

To be honest, I'm not so sure kung kaya ko bang harapin si PM ngayon. After what happened last night seeing the woman my boyfriend likes—and worse is that she's my best friend— is really awkward in my part. Paniguradong sisikip lang ang dibdib ko habang kasama siya. I mean, alam kong wala siyang kasalanan at hindi niya naman alam may nararamdaman pala si Logan para sa kanya. I'm sure hindi rin naman ginusto ni Logang magkagusto sa kanya.

The only wrong thing here is the fact that I'm still dating him after knowing about it. I guess I'm pretty f*cked up. Sinong martyr? Si Brenda freaking Matulin.

Bumuntong-hininga ako at pinindot ang doorbell. Ilang sandali lang ay bumukas ito at sinalubong ako ng balisang mukha ni PM, namumugto pa ang kanyang mata, siguro kagagaling lang nito sa iyak.

Kumunot agad ang noo ko. "Anong nangyari sa 'yo?" Walang kaide-ideya kong tanong.

Humikbi siya at niyakap ako. "Si EJ."

"Bakit—anong nangyari? May ginawa ba si EJ sa 'yo? Sinaktan ka ba niya?" Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat.

Tears started falling from her eyes again. "Umalis siya. Umalis si EJ, Brenda..." Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.

So much for my aching heart. I thought. Nakakaawang tingnan ang kaibigan kong wasak. "Calm down," Sabi ko at hinagod ang kanyang likod. "Huminahon ka. Pumasok muna tayo't ikalma mo na muna ang sarili mo. Sabihin mo sa 'kin ang nangyari."

Pumasok kami sa loob ng bahay. Pinaupo ko siya sa sofa, binigyan ng tubig, at pinakalma. Ayaw niyang tumigil sa kaiiyak kaya mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Tumabi ako sa kanya at inayos ang magulo niyang buhok. Si EJ, lagi na lang si EJ ang may gawa nito. Sinasaktan niya na naman ang kaibigan ko. It's like five years ago again. Pinainom ko siyang muli ng maraming tubig at pinaypayan. "Ano bang nangyari?" Tanong ko.

Umiling siya, "Hindi ko alam. Maayos naman kami... napakalma ko naman siya. Kagabi nag-usap lang kami tu—tungkol sa sakit niya, sabi niya natatakot siyang baka masaktan niya ako. May tiwala naman ako sa kanya eh. Tangina—alam kong hindi niya ako sasaktan." Tinakip niya ang dalawang palad sa mukha, "Puta, tingin niya ba maaayos lahat kung aalis siya? Sa tingin niya ba maisasalba niya ang kanyang sarili kung lagi na lang siyang tatakas? Buwisit! Sarili niya ang kanyang kalaban Brenda, paano niya matatakasan ang sarili niya!?"

She breaks down again.

"Iniisip niya lang ang kaligtasan mo." I slowly said. "Mahal ka niya eh."

Naiintindihan ko ang punto ni EJ. Alam niya mismong hindi ligtas si PM sa kanya. Alam niya kung anong maaaring mangyari kapag naunahan siya ng galit. God knows what kind of a monster lurks inside him.

Nabalik ako sa realidad nang abutin ni PM ang aking kamay at mariin itong hinawakan. "Hanapin natin siya Brenda, parang-awa mo na tulungan mo akong hanapin siya."

Diyos ko, ganitong-ganito ang mukha ni PM noon nang malaman niyang hindi itutuloy ni EJ ang kasal nila.

Bumuntong-hininga ako't niyakap siya, "Hahanapin natin siya, 'wag kang mag-alala."

Pero sa totoo lang, hindi ako sigurado kung mahahanap nga namin siya. Ang hirap hanapin ng taong ayaw magpakita.


Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon