Brenda Anne Matulin's POV:
"Hello Brenda," Bati niya sa 'kin pagkabukas ko ng pinto.
Nalaglag ang panga ko. Hindi ko siya nakilala kaagad. Ibang-iba na kasi siya. Mula sa pananamit, sa tindig, at lalong-lalo na sa kanyang mukha; maikli na ang kanyang ang buhok at sa totoo lang, parang limang milyong paligo ang lamang niya sa 'kin, ganyan siya kaganda ngayon.
"Lu-Lukaret?"
Ngumiti siya, tinikom ang aking bibig, saka ako niyakap. "I'm back."
Niyakap ko rin siya pabalik kahit na hindi ko pa rin maipaliwanag ang mararamdaman ko ngayon. Matutuwa ba ako, magtatampo, magagalit dahil hindi man lang siya naparamdam sa 'kin sa loob ng limang taon.
"I missed you so much," Saad niya matapos kumawala sa yakap. Tumingin siya sa loob saka pumasok... tumingin-tingin siya sa paligid then hinarap niya ako. "Things change. You got yourself a nice place."
Wala akong nasabi. Napatitig na lang ako sa kanya, speechless. Limang taon kasi eh... limang taon siyang nawala at hindi nagparamdam sa 'kin tapos, eto, bigla na lang siyang sisipot sa pintuan ko na para bang walang nangyari. Like pa'no? Paano niya nakukuhang ngumiti ng ganyan kahit na alam niyang napakaraming tanong ang kailangan niyang sagutin?
"How have you been?"
"O—okay lang, hindi na kiat halos nakilala ah?" Sabi ko sabay pilit na ngumiti.
"Talaga?" Tumingin siya sa sarili, "Sigurado ka? Hindi naman ako nagbago ah?"
Nanatili akong nakatingin sa kanya. Ewan ko, parang hindi ko na siya kilala. Best friend ko siya eh... alam ko na ang pasikot-sikot ng utak niya, pero bakit ganito? Bakit parang hindi si PM ang kausap ko ngayon?
"Oh, bakit ka nakatitig sa 'kin ng ganyan?" Tinaasan niya ako ng kilay, "Ako pa rin naman 'to ah?"
Marahan akong lumapit. Huminto ako mga ilang hakbang mula sa kanya saka siya tinitigan ng mata sa mata, "Bakit hindi ka nagparamdam? Bakit hindi mo 'ko tinawagan? Akala ko kinalimutan mo na ako... akala ko hindi na kita makikita ulit."
Natigilan siya saka huminga ng malalim "I was busy."
"Busy?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit, gaano ka ba ka-busy? Presidente ka ba ng Amerika para makalimutan mong mangumusta?"
Napatitig siya sa 'kin, "I went to business school and I had to takeover Dad's company so I had no time. I believe it was all over the news."
"But I never heard the news. I tried calling you, halos maubos ang daily allowance ko noon kakaload para may maipangtext lang sa 'yo, nagpadala pa ako ng mga sulat sa 'yo... pero ni isang reply wala akong natanggap. Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo, bakit hindi ka nagparamdam? Alam kong may rason ka..."
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomanceDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)