Forty Seven

130 4 0
                                    

 

Patricia Marie Solon’s:

“Euthanasia,” Sabi ko sa sarili, “Nababaliw na ba si Anne?”

Hindi sumagot si Logan.

Tumahimik na lang ako at binaling ang atensyon sa daan. Kasalukuyan kaming bumabyahe pauwi ng subdivision.

Buong biyahe siyang tahimik, ako naman si praning, hindi alam kung anong sasabihin para gumaan ang loob niya. Pero kung susumahin, wala na rin akong dapat gawin. Baka may masabi pa akong mali, eh.

Nakarating kami sa gate ng subdivision pero laking gulat ko nang tumuloy sa loob.

“Ah, Logan dito na ako bababa,” Tinapik ko siya sa balikat, “Okay na ako, sige na, bumalik ka na muna kay Anne.”

Pero hindi siya sumagot, ni hindi niya ako tiningnan, tila ba wala siyang narinig at nawawala siya sa sariling mundo.

“Logan,” Tinapik ko siya ulit, “Ba—baka makita tayo ni Joselito, eh. Baka kung ano pang mangyari. A—alam mo namang mainit ang dugo nun sa ‘yo— Logan!”

Kumambyo siya dahilan para bumilis ang takbo ng sasakyan.

“Logan dahan-dahan lang, ano ba?” Sigaw ko sabay kabit ng seatbelt, “Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!”

Pabilis ng pabilis ang takbo namin na literal na akong nasusuka. Kulang na lang yakapin namin ang kamatayan sa klase ng pagpapatakbo niya.

“Logan!”

Tinapakan niya ang preno. Laking gulat ko na lang nang makitang nasa harap na kami ng bahay.

“Logan, ano bang nangyayari sa ‘yo!?” Pang-uusisa ko habang pinapaypayan ang sarili, gustong-gusto ko siyang sabunutan pero pinigilan ko na lang ang sarili dahil naaawa ako sa kanya.

Binuksan niya ang kotse at bumaba. Mabilis ko ring tinanggal ang seatbelt at bumaba para sundan siya.

“Hoy, ano ba, sagutin mo nga ako!” Sigaw ko, “Ano bang pumasok diyan sa kukote mo’t ginawa mo ‘yon ha? Kamuntikan na akong pumanaw sa nangyari, eh!”

Sigaw ako ng sigaw pero para bang wala siyang naririnig. Nakatitig lang siya sa bahay at mukha siyang blanko, parang batang nawawala.

Lumambot naman agad ako sa nakita, siyempre, andyan na naman yung awa at lungkot.

“If I was just in Ej’s place,” sabi niya, “If I was in his place, I should’ve been in love with you, baka posibleng maging masaya pa ako dahil sa ‘yo, Pm. If… I was in his place, ikaw sana ang mahal ko at hindi si Anne, at hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Sana ako na lang si EJ.”

Napansin ko ang luhang namumuo sa kanyang mga mata.

Natahimik ako at kinuyom ang aking palad.

“I want to die,” Pumikit siya at suminghap, “so I can escape from the pain.”

“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Matapang si Anne, hindi siya sumusuko sa laban—“

Tumingin siya sa ‘kin.

Nabato ako.

Nakangiti siya habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. “But she already did.”

Sumakit ang dibdib ko sa nakikita. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, yung ramdam na ramdam ko ang lungkot na pinagdadaanan ni Logan.

“She’s giving up.”

Humakbang ako’t niyakap siya.

“Ano ka ba, huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Gagaling si Anne sa punyetang sakit na ‘yan, naiintindihan mo?”

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon