Fifty-Five

109 2 0
                                    

Olivia Solon's (Nanay):

Isang linggo na ang lumipas simula no'ng nakipaghiwalay si Eden kay Bee. Ang sabi sa 'kin ni Ricky, bigla na lang dawng nakipaghiwalay si Eden sa hindi malamang dahilan.

Ngayon depressed pa rin si Bee sa nangyari. Araw-araw siyang nagmumukmok at isang araw na siyang hindi kumakain. Nag-aalala na nga ako na baka malipasan siya ng gutom. Napaka-sakitin pa naman nito.
"Bee, kumain ka muna," Nilatag ko ang tinapay sa kanyang harapan, "Kahit kaunti lang. Magkakasakit ka niyan kapag hindi mo pa nilagyan ng pagkain 'yang tiyan mo."

Isang matamlay na ngiti lang ang sinagot niya sa 'kin. Itinulak niya ang pagkain pabalik sa direksyon ko bago umiling, "Busog pa ako Viang."
"Paano ka nabubusog, eh, wala ka namang kinakain simula kahapon." Humalukipkip ako. "Sige na kumain ka na, please? Ilang beses ka nang nalilipasan ng gutom oh."

Hindi siya sumagot bagkus ay nagsimulang magligpit ng mga gamit sa round table. Isinukbit niya ang shoulder bag at tumayo, "Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako Viang. Mauna na muna ako sa 'yo."
"Ha? Teka, sandali lang, sasamahan kita. Hintayin mo 'ko, ililigpit ko lang 'tong mga notebooks ko." Tumayo ako at akmang susunod sa kanya pero pinigilan niya lang ako.

Ngumiti siya saka umiling, "Viang, kung pwede sana... hayaan mo na muna ako. Gusto ko munang mapag-isa."

"Pero-"

"Okay lang ako," Tinapik niya ang aking balikat para ipakitang hindi siya naaapektohan, "Kaya ko 'to. Sa ngayon gusto ko munang makapag-isip."
Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siya. Inilapag ko pabalik ang bag sa round table bago bumuntong-hininga, "Oh sige. Pero mag-ingat ka."
Niyakap niya ako't hinalikan sa pisngi bago tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.

Ano ba ang gagawin ko para gumaan ang kanyang loob?

*

Amanda Buenaventura's

"Yaya, is Papa here?" Tinanong ko si Yaya Esme pagkapasok ko ng mansion.

"Wala po Miss Amanda," Sinara niya ang pinto sa aking likod, "Umalis po kaninang umaga dahil may importanteng meeting daw po."

That's odd. I thought Papa's in a vacation. "Did he say what for? I was supposed to talk to him today. I have something important to tell him."

Napagdesisyonan kong sabihin na sa kanya ang relasyon namin ni Ricardo. I want to play it safe. Gusto kong i-address sa kanya habang maaga pa na may lalaki na akong mahal. Baka iset-up niya pa ako sa kani-kaninong heredero maya-maya. Ayokong pagdaanan ang pinagdadaanan ngayon ni Ate Bee. Ayokong maipit sa isang hopeless relationship na walang ibang kalalabasan kundi pagkabigo.

"Nako, mukhang matatagalan po ang Papa niyo Miss. Narinig ko pong malaki ang project na pinaplano nila ngayon."

Tumango ako, "Okay." Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig bago tumuloy sa kwarto.

Inilapag ko ang bag sa bed and let out a sigh while looking outside. Why do I feel uneasy? This is so weird.

Hinubad ko ang uniform at dumiretso sa shower para maligo. Matapos gawin iyon, inayos ko ang sarili habang iniisip ang nangyari kay Ate Bee.
She and Eden broke up. I thought what they had is strong and unbreakable. What happened? Did Papa tell her about the arranged marriage already? Well, siguro nga. Wala naman akong nakikitang ibang dahilan para mag-break sila. Siguro ayaw nilang masaktan ang isa't-isa kaya pinili nilang tapusin na lang ang kanilang relationship.

Kung ako ang nasa posisyon ni Ate ipaglalaban ko si Eden. Kung mahal ko ang tao, hindi ako magdadalawang-isip na ipaglaban siya. Wala akong pakealam kung si Papa o ang mundo ang magiging kalaban ko basta ba nasisiguro kong mahal ko siya at mahal niya rin ako. That's all that matters in the end, right?

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon