Patricia Marie Solon’s
“Kailan pa?” Hinahaplos ko ang kaunting buhok na natitira sa ulo ni Anne, “Kailan pa naging ganito ang kondisyon niya?”
Nakaupo si Logan sa mini sofa sa dulo ng kwarto. Hindi siya lumapit at sa palagay ko’y hindi niya yata kayang makita ngayon si Anne.
“I thought she was doing okay after every session.” Halos pabulong niyang sabi, “I didn’t know she was that weak already, I really thought she was okay.”
Hinawakan ko ang payat niyang kamay at marahan itong pinisil. Parang natatakot akong baka mabali ko ang buto niya kung pipisilin ko pa ito ng maigi.
“May pag-asa pa naman, ‘di ba?” Lumingon ulit ako kay Logan at binigyan siya ng malungkot na tingin, “Kakayanin ito ni Anne, malakas ang loob niya.”
“She’s been unconscious for days Pm,” Sabi niya sa ‘kin, “Akala ko sasalubungin niya ako ng away pagkadating ko dito no’ng isang araw. It turned out na sinalubong ako ng balitang ‘yon.”
Huminga ako ng malalim at marahang ibinalik ang kamay ni Anne sa ibabaw ng kanyang puson. Lumapit ako kay Logan at naupo sa kanyang tabi. Katulad niya, nakatulala na rin ako sa kawalan, hindi ko rin malaman kung anong gagawin at sasabihin ko.
“Thanks for keeping me company,” Sabi niya bigla sabay hinawakan ang balikat ko, “You should go home now, baka hinahanap ka na doon. Hindi ka pa umuuwi simula kahapon.”
Tiningnan ko siya ng mabuti, “Sa tingin mo maaatim ko pang umuwi sa lagay na ‘to? Logan, kahit papa’no naging kaibigan ko na rin si Anne. At ikaw… ikaw… matalik na rin kitang kaibigan, hindi ko naman kayang iwan ka na lang sa sitwasyong ito.”
Iginiya niya ang ulo sa pader at tumingin sa ‘kin, “It’s okay… I am thankful for your help but for now, gusto ko na munang mapag-isa. I promise babalitaan kita sa mga mangyayari, so don’t worry.”
“Logan—“
Itinapat niya ang hintuturo sa kanyang labi at sumenyas na huwag akong maingay, “Patricia Marie Solon, thank you.” Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit, “Thanks for lending me your shoulder.”
Nang kumawala siya sa yakap, tumingin ako sa kanya at bumuntong-hininga, “Babalik ako, hindi kita pababayaang mag-isa.”
Huminga siya ng malalim at hinawi ang mga hibla ng buhok sa aking mukha, “My cousin’s lucky to have you.”
Inihilig ko ang ulo patagilid at ginulo ang buhok niya, “Magpakatatag ka. Nariyan pa siya, may pag-asa pa.”
Hindi siya tumango bagkus ay tumayo siya at binuksan ang pinto para sa ‘kin.
***
Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa sidetable. Kumurap-kurap ako’t inabot ang maingay na relo upang patayin ito, bangag akong bumangon at umupo upang mag-inat. Hindi maganda ang gising ko, una ko kasing naisip si Anne at kung anong maaaring epekto ng mga nangyayari sa kanya kay Logan. Nako Lord, huwag naman po sanang mangyari ang iniisip ko. Kahit po may taning na siya, alam ko namang may pag-asa pa. Ipagdarasal ko talaga siya araw-araw.
Nag-inat ako bago bumaba ng kama at nagtungo sa banyo upang umihi’t maghilamos. Matapos kong maayos ang sarili, inayos ko na muna ang kama at nilinis ang kwarto bago napagdesiyonang maligo.
Habang naliligo ako’y hindi ko maiwasang maisip si Logan. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Si Anne, gumising na ba siya? Ilang araw na ba siyang hindi nagigising?
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at binanlawan ang buhok ko. Pinatay ko ang shower at nagpunas bago lumabas ng banyo.
Naupo ako sa harap ng salamin at inalala ang mga nangyari kahapon.
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomanceDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)