Fifty-Six

113 3 0
                                    


Ricardo Javier’s (Ricky)

“Sir Ricardo, may tawag po para sa inyo.”

Napatingin ako kay Mom at Dad, “Excuse me for a minute,” I wiped the side of my mouth at nagtungo sa kwarto kinaroroonan ng telepono.

“Hello.”

“Ricardo!” It was Amanda, her voice frantic, “Ricardo, listen.”

Lumingon muna ako sa likod to check if my parents are looking. When I figured they’re not ibinalik ko ang atensyon sa conversation, “Amanda, what’s wrong?” My voice was merely above a whisper.

“Ricky we have to go,” Umiiyak siya habang nagsasalita, “Ipapakasal ka nila ni Bernadette. Umalis na tayo rito. Ricky, magtanan na tayo!”

Alam niya na.

Isinandal ko ang kamay sa pader, “Calm down. How did you know? Kailan mo pa alam?”
“Kahapon, sinabi sa ‘kin ni Papa ang lahat ng plano niya…” She started sobbing, “Sinubukan kong pigilan siya, nanlaban ako… pero sinaktan niya ako Ricky. Ikinulong niya ako sa kwarto na parang preso. Ayoko na sa buhay na ‘to. Aalis na ako. Ipaglalaban ko kung anong mayroon tayo at hindi kita isusuko. Hindi tayo susuko, ‘di ba? Ricky umalis na tayo.”

Bumilis ang tibok ng puso ko. Once again, lumingon ako sa direksyon ni Mom at Dad.
“Kaya mo bang tumakas diyan?” I asked, still paying close attention to my parents.
Matagal bago siya nakasagot. Tila may kinakausap siya sa kabilang linya. Boses ng isang matandang babae.

“O—Oo, I can. I can get out of here.” That confirmation is all I need.

“Meet me at the Unity Park at 12 noon. I’ll be there.”

“O—Okay.” She said and hung up the phone.

Inayos ko muna ang sarili bago bumalik sa dining hall. Mom and Dad were still eating nang makarating ako.

“Who called?” Mom raised a brow.

“A friend, he’s talking about our feasibility project.” I casually munched the food while answering.

“Oh, I thought it was Amanda.”

Natigilan ako saglit pero mabilis kong binawi ‘yon, “What do you have against Amanda?”
Ibinaba ni Mom ang kubyertos at tumingin ng masinsin sa ‘kin, “The answer’s simple. She’s not Bernadette.”

“Mama, girlfriend ko si Amanda at siya ang gusto kong pakasalan. Bakit ba hindi niyo matanggap ‘yan?”

Tumawa si Mom, “Dahil hindi si Amanda ang magmamana ng kompanya kundi si Bernadette. And besides matagal na siyang ipinagkasundo ng Papa niya sa isang foreign investor. Besides, kung si Amanda lang din naman ang ipagkakasundo niya sa ‘yo, hindi ako papayag. I don’t like here. She has no potential, no passion for what she’s doing, and she looks like pagkatapos ng kasal magiging isang plain housewife na palamunin.”

“Cynthia, enough.” Nagsalita si Dad. Tumingin siya sa ‘kin at bumuntong-hininga, “What we’re doing is for your future. Bernadette is a lovely woman, I’m sure mamahalin mo rin siya. As for Amanda, she’s not the woman for you.”

Ibinagsak ko ang kamao sa lamesa saka tumayo, “Anong tingin niyo sa ‘min? Mga robot na pwede niyong ipamigay at ipakasal sa kung sinu-sinong magustuhan niyo? Mom, Dad, I love Amanda and hindi ‘yon basta-basta mababago sa isang iglap lang… hindi ‘yon mababago ng isang papel at usapan!”

They stopped eating at tumingin sa ‘kin. Mom was unusually silent habang si Papa’y tila may malalim na iniisip.

“Please… let me go. Stop the engagement. Stop the wedding. Stop doing decisions for me. This is my life!”

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon